Sabado, Oktubre 8, 2011

CNMR

ni; istiiiph PORTASYO



Masarap mahalin, ang lalaking
sa akademiko ay magaling,
Sapagkat isa itong pangitain
na sya ay may nais marating
may angking talento pa, na nakahuhumaling

masarap mahalin ang lalaking ipagtatanggol ako
hindi papayag na saktan ako ng kung sino
at kapag siya ay kinailanagan ko
hindi sya magaatubiling puntahan ako,
at hindi diya aalis sa tabi ko

masarap mahalin ang lalaking ubod ng lambing
paglalambing na sa akin lamang niya ibinaling
at ibinibigay pa ang aking bawat hiling
dahil dito, ang mga mata ko’y tila ba nakapiring
hindi ko na nanaisin, na s iba pa ay tumingin

Masarap mahalin ang lalaking ako ay susuyuin
Ang mga kagustuhan ko ay susundin
At ang bawat ipinangako niya ay tutuparin
Masaya siyang ako ang kapiling
At hanggang dulo, ako ang iibigin



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento