Sabado, Oktubre 8, 2011

Sarili

Isa akong Pilipino

Mahal ko ang wikang Filipino, walang halong biro

Kulturang Pilipino ay aking ipinagmamalaki

Isa akong Pilipinong may tiwala sa sarili

Hindi ako katulad mo, pagka-Pilipino’y ikinakahiya

Hindi ako tutulad sa kanya, sariling Wika hindi kilala

Hindi ako maiinggit sa kanila, puso’y nasa ibang lahi

Walang tiwala sa sarili at sa taglay nilang angking galing

Marunong magsalita ng Tagalog dahil ako’y Pilipino

Magalang, mapagmahal at makatao dahil ako’y isang Pilipino

Matapang at makabayan katangian ng isang tunay na Pilipino

Tunay na Pilipino akong maituturing, kaya mo bang talunin?

Tayo’y angat sa lahat

Mula sa angkan ni Lapu-Lapu na tunay na magiting

Hanggang sa kasalukuyang bayaning si Pacquiao

Na ating ipinagmamalaki palagi

Tayong mga Pilino ay may sariling pagkatao

Atin itong dapat na ipagmalaki

Hindi dapat magpaalipin sa ibang lahi

Kundi ipagmalaki ang ating sarili

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento