Martes, Oktubre 4, 2011

Kabataan, May Pag-asa Pa!

Ni: Karla Niña Bautista Mallannao

Isang pagbati sa aking mga minamahal na kamag-aral at guro. Ako ay nasa inyong harapan upang talakayin ang isa sa mga identidad ng mga Pilipino. Ito ay ang mga kabataan sa Pilipinas.

Isa sa mga binitiwang mga salita ng ating bayani na si Dr. Jose P. Rizal ay "Ang mga kabataan ay ang pag-asa ng bayan." Ngunit hanggang ngayon kaya ay matuturing parin nating pag-asa ang mga kabataan?

Dati, ang mga kabataan ay tunay na pag-asa ng bayan. MATULUNGIN at MASIPAG. Sila ay tumutulong sa kanilang magulang sa mga gawaing-bahay. MASIPAG na MAG-AARAL. Nag-aaral ng mabuti para sa kanilang kinabukasan. Mga katangian na nagpapatunay na sila ang magpapaunlad ng ating bayan.

Ngunit ang kabataan ngayon, nadala rin ata sa pag-unlad ng mga teknolohiya. Dahil dito, hindi na sila nakatutulong sa kanilang magulang sapagkat sila ay nasa harap ng kompyuter o di kaya ay maghapong hawak ang kanilang mga "cellphone". Dahil din dito ay hindi na sila nakapag-aaral ng maayos sapagkat puro laro na lang sa kompyuter at paglibot sa FACEBOOK, TUMBLR at TWITTER ang kanilang ginagawa sa halip na gumawa ng kanilang mga takda. Nariyan pa ang maagang pag-aasawa dahil sa relasyon na nauuwi sa maagang pagbubuntis.

Kaya ko iyan sinasabi sa inyo dahil tayo ang magsasalba ng problema sa kabataan. Alam kong hindi pa huli ang lahat. May magagawa pa tayo para mapigilan ang problema ng mga kabataan. Tulungan natin sila na pumunta sa tamang landas. Kung kayo ay may mga kaibigan na may ganitong problema ay inyong kausapin. Nang sa gayon ay unti-unting matapos ang problemang ito.

Na sa ating mga kamay din ang solusyon para sa problemang ito. Kaya para sa mga kapwa ko kabataan, tayo ng pumunta sa tamang landas. Maraming Salamat sa inyong pakikinig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento