Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Kayumanggi. Isang Pinoy

Ni : Janica L. Ruiz

Ang Pinoy, kahit walang pera

Nagagawa pa ring ngumiti

Kahit puro problema

Nagagawa pa ring tumawa

Syempre, Pinoy e


Ang Pinoy, kahit pagod

Tuloy pa rin ang kayod.

Kahit hirap sa pera

Hindi tumatanggi sa bisita

Yan ang Pinoy. Pinoy na totoo.


Ang Pinoy, turing sa isa’t-isa ay pamilya

Hindi ka nila itatakwil pa

Kung ikaw ay nagkasala sa kanila

Handa silang patawarin ka

Hindi matitiis, makita kang nagdurusa.


Pagiging matulungin sa isa’t-isa

Kung bakit Pilipino ay kilalang kilala

Hindi lang sa Asya

Maging sa buong mundo pa

O Pilipino, kakaiba kang talaga.


Hindi Amerikano, hindi rin Arabyano

Hindi Tsinito lalong hindi rin Awstralyano

Hindi puti dahil kayumanggi

Dahil tayo ay Pilipino.

Ipagmalaki mo ito !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento