Huwebes, Setyembre 29, 2011

ABF: Isang Pamilya

Ni Rodelyn A. Flores

Sanaysay na inaalay sa klase


Isa sa mga katangian nating mga Pilipino ang pagbuklod-buklod ng ating pamilya ika nga sa Ingles tayo’y “family oriented”. Ano nga ba ang pamilya? Pamilya bang maituturing ang ama, ina at anak o mga anak na nakatira sa isang bahay. Oo, sa konseptong iyon pero sa bahay na iyon kailangan na nanaig ang pagmamahalan sa bawat miyembro ng pamilya.

Kaming ABF ay maituturing na isang pamilya. Ang nagsisilbing naming tahanan ay ang sintang paaralan. Pamilyang maituturing dahil ang aming turingan ay kapatidan. Ang anumang problemang hinaharap ay hindi naming inilalabas sa apat na sulok n gaming silid, sama-sama naming iyong nilulutas. Kapag may problema kami’y nagdadamayan. Sa aming mga gawain iyon ay aming pinagtutulungan. Wari’y kami’y nagbabayanihan sa mga gawain na nakalatag sa amin. Iniintindi namin ang kahinaan o kakulangan ng isa dahil alam naming na lahat kami ay may kahinaan o kakulangan. Panatay - pantay ang tingin sa bawat isa.

Sa aming pagsasama, marami na kaming napagdaanan at marami na rin kaming napagsaluhan. Isa sa mga proyektong aming pinagsahan at pinagtulungan ay ang proyekto taon-taong n gaming tagapangulo ay ang SATULAWITAN. Sa paggawa naming ng proyektong ito mas lalong lumalim ang aming samahan. Ang lahat ay nagbuhos ng panahon at atensyon upang mapagtagumpyan naming ang aming proyekto. Tulong-tulong kami sa lahat ng gawain. Ang lahat ay nag-ambag ng lakas at talino. Syempre hindi naming iyon pagtatagumpayan kung wala ang aming mga guro na siyang nagsilbi naming magulang sa paaralan. Hindi lamang pang-akademiko ang kanilang itinuro sa amin. Hinuhubog din nila an gaming pagakatao gaya n gaming mga tunay na magulang. Sila ang gumabay at umalalay sa amin. Nagmamahalan at nagtutulungan ang bawat isa, yan ang ABF isang modelo ng pamilya.

Isang mahalagang sangkap ng lipunan ang pamilya. Ang pamilyang nagbubuklod-buklod at nagmamahalan ay siguradong nasa tuwid na landas. Hindi talaga matatawaran ang mga katangian nating mga Pilipino.

3 komento:

  1. may ilang mga typo error .. hmmm pansinin ang tamang paggamit ng "naming" at "aming" .. at pagisipang mabuti ang pagkakaugnay-ugnay ng mga idea at pagkakasunod-sunod nito.

    ipagpatuloy ! alam ko marami pa tayong mtututunan lalo na sa paggawa ng mga akda ..

    TumugonBurahin