Adbertismo at Pagpapakilala ng Grupong Kaliwa


Ang site na ito ay naglalayon na matutgunan ang kasalukuyang tunay na pangagailangan ng lipunang pilipino: pagkakaroon ng pusong makababayan:

Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng Hybrid ng mga lahi dahil sa pagdaong ng mga Malay,indonesians, pangangalalakal ng ng mga intsik,pananakop ng mga kastila,amerikano at hapon. Sino pa nga ba ang hindi masasasanay kung ang ating nakalakihang kaugalian ay hindi pala kulturang Pilipino sapagkat lumaki tayong hindi nahahasa ang mga ito?

Kaya naman narito ang site na ito upang ipaalala at palawakin ang kaisipan ng mge mamamayang Pilipino ng kasalukuyang panahon.Maaaring Hybrid tayo ng mga lahi subalit hindi iyon patunay na latak lamang ng kanilang kagalingan ang napadpad sa kamay ng mga Pilipino kundi ang mga lahi ay "Pili" at "pinino" ng kasaysayang sumubok sa ating kagalingan kung saan uusbong ang kaunlaran,hindi lamang ng ekonomiya kundi pati na rin ang ating pambansang pagkakaisa

Samakatuwid ang sariling pagkakakilanlan sa ating lahi, kultura, wika ,kaugalian at kasaysayan ang syang ating susi sa pagunlad ng ating lipunan .Ikaw, bilang Pilipino, paano mo tutulungan ang kapwa mo na malaman ang dapat mahalin sa bansang ito?