Si Juan...
Ni: Regine C. Catolico
Marami ang nagsasabi na si juan daw ay tamad at walang inisip kundi matulog ngunit sa kabila nito mayroon paring ilang nagsasabi na si juan daw ay maaasahan. Ano nga ba ang katotohanan at sino nga ba si juan?
Marami ang nagsasabi na si juan daw ay tamad at walang inisip kundi matulog ngunit sa kabila nito mayroon paring ilang nagsasabi na si juan daw ay maaasahan. Ano nga ba ang katotohanan at sino nga ba si juan?
Likas daw sa mga Pilipino ang pagiging madiskarte sa buhay. Patunay dito ang ilang tao na nagtiyaga at nagsumikap upang umangat at umunlad. Sa panahon ngayon, maraming kilalang personalidad ang kilala sa kabila ng pinanggalingang hirap. Ilan sa mga ito ay sikat sa larangan ng pag kanta. Nariyan sina Charice Pempengco at Arnel Pineda na tunay nga namang hinahangaan sa larangan ng kanilang napili. Nariyan din ang grupong Jabbawockeez na may mga pilipinong miyembro na kilala sa larangan ng pagsasayaw. Nariyan pa ang mga kapatid nating nangunguna at nakikilala sa larangan ng pampalakasan. Tunay nga na ang mga Pilipino ay may angking kahusayan pagdating sa ibat ibang aspeto.
Sa pamumuhay ng isang simpleng juan, makikita natin ang mga kaugaliang ating hahangaan isang problema sa ating bansa ang kakulangan sa mga espasyo na maaaring tayuan ng mga tahanan na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga “informal settler”. Makikita natin na kahit sa gilid ng ilog may naninirahan na nagdudulot ng kasiraan kapaligiran ang isang pamilyang kapos palad ay hindi na iba sa mga usaping nais solusyunan ng ating pamahalaan. Hindi na bago sa isang pamilya ang mga pangyayari kung saan diskarte ni ama ang gagamiting kahoy at mga yero sa pagkumpuni o pagsasaayos ng sira ng kanilang barong barong na tinutulugan sa gabi si ina naman ang may responsibilidad sa kung paano nya pag kakasyahin ang limampung piso sa buong araw na galling sa kita ni kuya sa pagbabasura. Tunay na kay hirap ng buhay ng mga Pilipino ngunit kaya natin itong tugunan sa pagiging madiskarte. Ang limampung piso sa maghapon ay kayang pagkasyahin. Bibili si ina ng bigas at asin na gagawing lugaw para pagkain sa buong araw na tunay nga namang hahangaan ng nakakarani.
May mga pagkakataon pa na ang isang hinahangaang obra ay gawa sa mga bagay na di mo sukat akalaing mapapakinabangan pa. nakakatulong ka na sa pangangalaga ng mundo ti[id ka pa sa mga kagamitang iyong gagamitin. Di makakaila na gagawin ni juan ang lahat ng kanyang makakaya para magtagumpay at makatulong hindi lang sa kalikasan pati na sa pamilya at sarili. Pero bakit may mga konsepto na si juan ay tamad sa kabila ng pagiging madiskarte at marunong sa buhay. Ano ang dahilan bakit nagkakaroon at nananatili ang konseptong ito. Marami sa ating pinoy ang aminadong tamad. Utos ditto, utos doon na ang tanging naisasagot ay “mamaya na” o kilala sa tawag na “maŇana habit”. Pero sa kabila ng mga katamarang pinapairal hindi mawawala sa mga Pilipino ang pagiging masipag sa ibat ibang aspeto. Likas na responsible ang mga pinoy kahit sa una’y makikitaan mo ng pagkawalang gana sa pag sunod, ngunit ito;y nagbabago kung usapang pamilya na ang painag uusapan. Kilala tayo bilang mapagmahal at mapag aruga sa pamilya. Lahat ata ng bagay gagawin para matiyak lang ang kaayusan at ikabubuti ng mga taong minamahal. Hindi maiaalis sa ating mga Pilipino ang pagiging tamad ngunit ang pagmamalasakit sa pamilya ang isang bagay nsa maipagmamalaki nating mga Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento