Likas na magaling tayong mga Pilipino sa iba’t-ibang natatanging bagay at yan ay nararapat lamang na ipagmalaki. Hindi lamng sa mga natatanging bagay tayo magaling pati na rin sa pagtulad o sa Ingles ay “imitate” at marahil sa kagalingan nating ito umugat sa aking matanong na kaisipan ang isang tanong, tanong na alam kong dapat na itanong sa kabataan siguro dahil narin ito sa alam kong ang kabataan sa panahon natin ngayon ay mas magiging handang sumagot sa katanungn kong ito, “Magaling nga ba tayong mga Pinoy sa Panggagaya?”
Sa kasalukuyan, iba’t-ibang bagay ang kinahuhumalingan ng mga kabataan at dahil ang mga katulad kong kabataan ay ang pangunahing bumubuo sa ating lipunan ay naging resulta ito ng malaking impluwensya na hindi natin masisiguro kung nakabubuti o nakasasama hindi lamang para sa ating lipunan kundi pati na rin sa ating pagka-Pilipino.
Para sa aking sariling opinyon nakasasama ito. Hindi namang mali ang manggaya sa ibang bansa marahil ang nakikita ko lang na mali dito ay ang pagpapasailalim ng mga kabataan sa kanilang panggagaya. Tulad na lamang ng pagtalikod ng halos lahat sa mga kabataan ngayon sa mga produktong sariling atin, mas ninanais pa nila ang mga produkto ng dayuhan. Sino nga ba naman ang papayag na laitin dahil lang sa kanilang kasuotan?, sino ba ang hindi maiinis na sabihang “ang cheap naman niyan” kapag nakitang hindi branded ang mga gamit mo, sino rin ba ang hindi gugustuhing tawaging “IN” o sunod sa uso?
Tayo-tayo rin namang mga Pilipino ang nagbababa sa sarili nating pagkatao, nagtatago tayo sa panggagaya upang hindi pagtawanan at makasabay lang sa daloy ng modernisasyon ngunit hindi ba natin napapansin na habang ginagawa natin ito ay parang itinatakwil narin natin ang pagka-Pilipino natin, ang sarili natin. Kinakalimutan natin ang mga tradisyon na nagpapakita sa identidad ng ating lahi, itinatakwil natin ang sarili nating pagkatao na hindi naman tama at nararapat.
Walang masama sa panggagaya huwag lang nating kalimutan ang mga obligasyon natin sa ating sariling bayan at huwag nating isantabi ang ating tunay na pagkatao sa pagpapanggap para lang sa ating sariling kapakanan.
Dapat nating ipagmalaki ang sariling ati bago tayo magpakahumaling sa impluwensya ng ibang lahi. Itaguyod natin ang ating pagka-Pilipino, yakapin at mahalin nating ang ating pagkatao. Ipagyabang natin na tayo ay Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento