Sabado, Oktubre 8, 2011

PAMILYA KO ITO!!!!

J. A. Luis

Isang magandang araw sa ating kagalang-galang na guro at kapwa ko mag-aaral.

“Walang sinuman ang nabuhay ng mag-isa.” Ito ang madalas kong marinig, na totoo naman. Dahil ano’t -ano pa man, may mga tao kang makakasama. Ang mga taong ito ay ang iyong tunay na pamilya o kadugo at ang mga taong itinuturing mong pamilya o pamilya sa puso.

Ang bawat tao ay may itinuturing na kapamilya na talagang nagmahal sa kanila. Ang pamilyang Pilipino, kilala bilang “Close Family Ties.” Dahilan na rin ang pagiging kabilang nito sa mga bansang Asyano na sobrang magmahal. Dahil sa pagmamahal sa pamilya, marami silang kayang gawin. Mga bagay na lalong nagpatatag sa kanila bilang pamilya.

Pagkakaisa. Ang pagkakaisa ay nagdudulot sa pamilyang Pilipino ng kasiyahan. Dahil dito, naipakikita ang pagmamahal sa bawat isa. Nakakaya nilang abutin ang kanilang inaasam. Sama-sama nilang nalalasap ang tagumpay . ito’y nakapagdudulot ng kapayapaan sa lipunang kanilang ginagalawan.

Nagturo. Maraming bagay silang natututunan sa kanilang pamilya. Isa na rito ang pagkatutong magmalasakit sa ibang tao. Una silang nagmalasakit sa kanilang pamilya, at dahil dito’y kanila ng natutunan, nalaman na rin nila ang tunay na kahulugan nito. Nagmamalasakit sa mga taong may problema, may sakit, at iba pa. naging likas na ang pagmamalasakit dahil likas din nila itong natutunan.

Ipagtanggol. Dahil sa pagmamahal mo sa isang tao, natural lang sa iyo na siya’y ipagtanggol. Dahil sa pagpapakita mo ng pagtatanggol, mas nagiging matatag at malakas ang loob niya. Nalalaman din ng bawat isa ang kahalagahan ng pamilya lalo na kapag may naapi. Simpleng pagtatanggol na nagdulot ng kasiyahan sa kanilang puso. Dito rin naipakita ang pagmamahal.

Matatag. Ang pamilya, ang pinakamatatag sa lahat. Kaya kahit iwan ka ng lahat, nandiyan pa rin sila. Hindi ka hahayaan na humarap na mag-isa sa mga pagsubok. Kahit na anong mangyari, hindi ka iiwan dahil mahal ka nila.

Gagawin ang lahat. Ang bawat isa ay gagawin ang lahat para sa pamilya. Hindi kakain para sa iba. Kahit na mapalayo ay gagawin para sa ikabubuti ng pamilya. Magtatrabaho habang nag-aaral. Susuporta sa bawat isa, magpaparaya para sa iba.

Ilan lamang ang mga bagay na ito na natututunan ng mga myembro ng pamilyang Pilipino. Mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal sa bawat isa. Ang pamilya sa dugo at sa puso. Ang pagmamahal na walang kapantay o katumbas. Ipagmalaki na ika’y kasapi sa isang mapagmahal na pamilyang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento