Ni : Janica L. Ruiz
Isang dyipni. Naranasan mo na bang sumakay dito ? Aba, ako oo ! kung iyong titingnan , para lang itong isang kahon ka hugis parihaba. Iisipin mong isang uri lamang ito ng sasakyang kahit saan ka magpunta ay may makikita kang ganito. Pero kung iisipin mo, ano nga ba ang hatid sa atin ng isang dyipni ? ano ang kakaiba rito ?
Sa aking palagay, hindi lang transportasyon ang dulot sa atin ng isang dyipni. Hindi lang ang pagbaba, pagsakay at pagbabayad sa dyip ang naituturo nito. Hindi lang ang dalhin tayo sa mga nais nating puntahan ang trabaho sa atin ng mga dyipni. Isa rin itong instrumento upang makilala pa nating ang ilang uri ng personalidad meron pa ang ibang tao maliban sa mga nakapaligid sa iyo at kakilala mo. Napansin mo ba na kapag sumasakay ka sa dyip, meron kang nakikitang iba’t ibang klase ng tao. May tahimik na pasahero na nakaupo lang sa upuan at ang buhok lang yata niya ang gumagalaw sa kanya. May ilan din na maingay kahit nag-iisa at lalong merong maingay na grupo na akala mo ay sila lamang ang pasahero at nabili na nila yung sasakyan. May ilan ding akala mo ay nabagsakan ng langit at nakasimangot. Mayroon din parang baliw na mag-isang tumatawa. Mayroon din minsang magkasintahan na akala naman sa sasakyan ay parke. Doon na naglambingan. Mayroon pang mga ‘’nakikisakay lang talaga ‘’ at nag’wa-1.2.3 kung tawagin. Sila yung mga klase ng pasahero na di nagbabayad. Iba’t-ibang klase ng tao. Iba’t-ibang identidad at pagkakakilanlan. Iyan ang mga karaniwang tao na nasa dyip. Hindi mo kakilala.
Sa pagsakay ko sa dyip, natuto akong magtiis sa mga usok sa labas at ang ingay na rin. Gusto ko ay ang karanasang makasalamuha ang mga taong hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Natuto akong makisama sa mga taong hindi ko kakilala. Ang natutunan ko sa pagsakay ng dyip ay ang maghintay. Maghintay sa ilang dahilan. Maghintay dahil hindi pa puno ang dyip at maghintay sa lugar na bababaan mo. Natuto akong maghintay, magmadali at hindi magmadali. Napagtanto ko na ang buhay pala natin ay parang karanasan mo sa pagsakay ng dyip. May mga taong darating at may mga taong aalis rin sa piling mo. Hindi naman pwede na habangbuhay ka na sa loob ng dyip. Kailangan mo ring bumaba at ipagpatuloy ang mga gawaing dapat gawin. Kaya para sa akin, ang pagsakay sa dyip ay hindi lang basta pagsakay kundi ang pagharap sa hamon at ang mga aral na makukuha mo habang nakasakay ka rito .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento