Ni Leonilyn C. Palaran
Kalayaan, kalayaan ,kalayaan. Isang simpleng salita subalit ilang ulit nang nakapagdulot ng ligaya sa buong sambayanan Pilipino.Bakit nga ba napakahilig ng mga Pilipino sa kalayaan?
Magandang araw po sa mga tagapakinig at sa inampalan!
Kalayaan!
Iyan ang palaging sigaw ng mga Pilipino. Hindi maikakailang mahilig sa kalayaan ang mga mga ito.
Sa pagdaong ng barko ng mga mga dayuhang mananakop at mangangalakal, bitbit ang kanilang lahi, kultura, at paniniwala. Sa ilalim ng tatlong daang taon na pang-aalipin at pangungutya ng mga kastila sa lahing Pilipino, sino nga ba ang hindi magsasawa?
Una pa lang nang mabalitaang dumaong si Magellan sa San Lazarus ay kinagalitan na siya ni Lapu-Lapu. Matalino ang mga ninunong Pilipino, batid ang tunay na hangad ng mga dayuhan sa pagdaong sa ating lupain , na sa kinabukasan ang lahi nati’y gagawing alipin..
Sa Europa sumibol ang kaisipang liberalismo subalit sa Pilipinas naunang ipinakita ang bunga nito, ang nasyonalismo. Nang magbukas ang kanal Suez, higit na napadali ang pagdaong ng mga barko mula sa mga bansang Europeo at napabilis ang komunikasyon mula sa mga kabataang edukado at idealista ang pag-iisip, hindi nakapagtatakang madali nitong nahawaan ang ating matatalinong ninunong kabataang Pilipino kahit pa hindi sila edukado sa paaralan na pinamumunuan ng limang orden ng simbahan. Inaapi, walang lugar sa Lipunan, iyan ang kinahihinatnan ng mga sawing palad na ninunong Pilipino noong panahon ng mga Kastila sa sariling bansa. Simula nang matutuhan ng mga Pilipino ang salitang kalayaan ay hindi na niya ito pinakawalan. Isang pagkukulong,walang kalayaan.
Ano nga ba ang tunay na depinisyon ng kalayaan? Ang pagkakawala sa gapos ng mga dayuhan?Ang pagkawala sa sentralisadong kaisipan? o ang pagsigaw sa lansangan ?
Walang tunay na kalayaan sapagkat lahat tayo ay may kalayaan na gawin ang lahat ng bagay na nais natin.Lahat tayo ay may karapatan sa bansang ating ginagalawan. Lahat tayo ay binibigyan ng karapatan na mapakinggan.Subalit sa bawat karapatang ating tinatamasa ay mayroong katapat na responsibilidad.OO, hawak natin ang ating buhay at pagtatagumpay subalit kung ang pamamaraan ng pag-abot natin dito ay ang pagtapak sa ngalan ng iba nating kababayan, nababawasan ang ating karapatan at nawawala ang tiwala ng iilan.
Walang tunay na kalayaan sapagkat hindi nakukuntento ang sangkatauhan sa bagay na kanyang nakamtan. Ito ay natural na bilang isang tao na nabubuhay sa mundo ng kasalukuyan kung saan materyal na bagay ang palaging tinatalakay. Lagi natin nararamdamang mayroong kulang kahit wala naman.Nararamdaman nating wala tayong kalayaan sa paggawa ng mga bagay na nais nating gawin.Hindi madaling makuntento ang tao.Kung gayon ay walang tunay na kalayaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento