Sabado, Oktubre 8, 2011

Ang Pilipinas na Buo at Malakas

ni Rachelle A. Rangasajo


Minsan ba ay sumagi sa isipan mo kung bakit nga kaya hindi binalak ng Diyos nag awing magkadikit-dikit ang mga pulo ng Pilipinas? Iyong tipong hindi mo na kailangan na magbarko patungo sa Cebu o dikaya naman ay sumakay ng eroplano upang makapunta sa Davao. Hindi talaga natin kayang malaman nag lahat lalo na kung plano ito ng Diyos at naihanda na niya ito bago pa man tayo maisilang.

Naalala ko pa noong pinaguhit kami ng simbolo na maaarng maiugnay sa mga Pilipino at ang simbolong ginamit ko ay ang mapa ng Pilipinas, hindi dahil sa ito ang lugar kung saaan nakatira nag mga Pilipilo ngunit dahil sa hugis at anyo ng nito na sa aking palagay ay maglalarawan kung sini at ano nga ba tayo.

Isang salita lamang noon ang nangibabaw sa akin para ipaliwanag anag larawang iginuhit koat iyon ang salitnag pagkakaisa.

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107, na pulo, nag-iiba ang bilang nito sa iba’t ibang libro dahil sa ang isla ng Plipinas ay lulubog-lilitaw kung ituring,hiwa-hiwalay at magkakalayo;hindi maintindihan ang hugis at hindi pantay-pamntay ang laki ng bawat isla,pahaba rin ang kapuluang ito. Mga simpleng katangian na minsan ko nang naihambing sa mga Pilipino.

Marami nga ang bilang ng ating populasyon ngunit parang iilan lamang ang kumikilos para sa ikauunlad ng lahat. Nakatira tayo sa isang bansa, magkakahawig at magkakatulad ngunit tila hindi magkakakilala sa tuwing may nangangailangan na. malaki ang agwat ng mayaman sa mahirap , hindi nagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan. Marahil nakasisilip nga ang babaeng nakapiring na simbolo ng hustisya sa tuwing gagawa ng desisyon. Ang hindi maintindihang ugali nga mga Pilipino na produkto ng mga pumasok na kultur sa atin. Sa ganitong kalagayan hindi natin maipakikita ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa tulad ng ating mga pulo na hiwa-hiwalay.

Isa tayong bansa na hindi mapapansin kung hindi sa mga kalokohan at pangangailangan natin lalo na kung itatapat tayo sa mga naglalakihang bansa sa paligid natin. Kung tutusin

Di rin tayo kawalan o mahalaga kung kabilang man tayo sa mundo dahil para naman sa kanila ang bansa natin ay lugar at tirahan ng mga katulong at alipin ng mundo.

Siguro nga kay hindi ninais ng Diyos na paglapit-lapitin ang mga pulo ng Pinas ay dahil gusto niya tayong subukan sa kung hanggang saan natin kayang kumilos at maging isa kaya’t na tayo ay malayo sa isa’t isa. Tinitignan niya kung paano tayo mabubuhay kung malayo tayo sa isa’t isa at hindi nagtutulungan, kung tayo ba ay susuko at maghihirap o pipiliting abutin ang kanay ng bawat isa at itaas ito para maging isang Pilipinas, buo at malakas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento