Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naka-address sa klase at kay mam apigo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naka-address sa klase at kay mam apigo. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 8, 2011

Ako, bilang arkitekto ng pagbabago

Noong hayskul pa lamang ako, nagpasya na akong pagiging arkitekto ang tatahakin ko, dahil sa hilig at interes ko sa pagguhit at pakiramdam ko, ito ang tinitibok ng puso ko. Nabuo na sa isipan ko na magiging magiginng mahusay akong arkitekto. Ako ang magdidisenyo ng matataas na gusali, mahahaba at magagandang mga tulay at maging ang aking titirhan balang araw. Naniwala ako na magiging matagumpay ako sa buhay dahil sa pagiging arkitekto.

Subalit gumuho ang pangarap ko nang hindi ako napasama sa kursong nais ko, ang BS Architecture dahil nauubusan na ako ng pwesto. Ang sakit. Nanlumo ako. Nalungkot. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa. Nakayuko, nakasimangot at walang imik nang biglang may lumapit sa akin, isang lalaking hindi katangkaran, inabutan ako ng isang maliit na piraso ng papel kung saan malaking nakasulat ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (Bachelor of Arts in Filipinology). Sa pagkakataong ‘yon AB Theatrical Arts at BS Education nalang ang iba ko pang pagpipilian bukod sa ABF. Napaisip ako at napatanong sa sarili, “ito nab a?” Dahil paborito ko naman ang asignaturang Filipino noong nasa elementary at hayskul pa lang ako, napagdesisyunan kong ang kursong ito nalang ang pipiliin ko. Mababaw na dahilan pero ito lang ang nagging daan upang makumbinsi ko ang sarili ko na tama ang nagging pasya ko.

Nang sinimulan ko nang pag-aralan ang kurso, nasabi ko sa sarili ko na “ang hirap palang pag-aralan ang kursong dindi mo mahal”. Sa panahon kasing iyon, kumbaga sa bunga, bubot pa lang ako, baguhan, hindi pa namumulat. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ng wika. At ito ako ngayon, nasa ikalawang taon na. Nagising na ang damdamin. Mula na. Mahal ko na ang kurso hindi lang dahil may mga tunay at tapat na kong kaibigan kundi dahil na rin ganap ko nang natanto ang layunin ng kursong ito. Salamat sa aking mga dalubguro na nagbukas ng aking isipan. Gayundin sa mga kapwa ko ABF na nagging inspirasyon ko para ipagpatuloy ito.

Binago ako ng kursong ito. Dahil ditto, mas minahal ko ang Pilipinas, ang bansang umaruga sa akin. Marami akong natutunan. Naging bukas ang aking isipan sa mga kulturang Pilipino. Nakilala kong lubos ang bansang aking sinilangan. Sa wakas, napansin ko na ang Inang Bayan na matagal nang nagpapapansin sa mga anak niya… mga anak niyang nalimutan na siya dahil nahuhumaling sa mga kumikinang na gintong inaalok ng ibang MAUNLAD na bansa na patuloy nilang tinitingala at hinahangaan.

Kasama ang mga kapwa ko ABF, isusulong namin at itataguyod ang paggamit ng sarili nating wika sa lipunang unti-unti nang nilalamon at inaagaw ng ibang lahi. Tutulungan naming ang mga taong may malalang karamdaman na kung tawagi ay “colonial mentality”. Tutulungan naming baguhin ang mangmang na pananaw ng maraming Pilipino na ang wikang Ingles ay wika ng mga matatalino samantalang ang wikang Filipino ay wika ng mga indio. Ipababatid naming sa kanila na higit ka pa sa indio kung mismong sarili mong wika ay hindi mo kilala.

Sa pag-aaral ko sa kurong ito, napagtanto ko na maaari pa rin akong maging arkitekto; subalit sa pagkakataong ito ay higit pa sa mga gusali, tulay at bahay ang ididisenyo ko, ito ay ang pagbabago ng mga Pilipino. Magdidisenyo ng mataas na pagtingin ng mga Pilipino sa sarili nating bansa. Magdidisenyo ako ng maka-bansang Pilipino na magiging tulay ng ating pagsulong. At magdidisenyo ako ng magandang kinabukasan ng Pilipinas. Magiging arkitekto ako ng pagbabago.

Naniniwala ako na kalooban ng Diyos ang pagpasok ko sa mundo ng ABF. Anak N’ya ako, alam kong walang amang kapahamakan ang nais para sa anak n’ya. May magansang dahilang ang Diyos kung bakit kabilang ako ngayon sa ABF.

ABF : gaya-gaya !!!


NI: LOVELY polyn ESPINA 
 Ugali na nating mga Pilipino ang gumaya sa mga nakikita o naririnig natin kahit saan pa ito galing…
Sa aming klasrum ay maraming grupo, kanya-kanya, walang pakialaman. Ngunit alam niyo ba kung ano nakapagsaasama-sama sa amin? Ito ang “gayahan portion.”
Akala niyo ba magpapahuli ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya dyan? Hindi no! maraming kalokohan ang nagaganap lagi sa aming klasrum: nandyan ang asaran, kulitan na lalo pang pinakukulay ng mga nakatutuwang salita o galaw. (1) Paggaya sa mga beki (bakla). Nang ako ay mapadaan sa isang grupo na may pinag-uusapan narinig ko ang salitang “sinetch itey” o sino ito, sa isa amang grupo na masayang nagkukwentuhan ay narinig ko ang “bonggang-bongga”, sinabi naman ng kaibigan ko sa akin ng ako ay may problema na “keribels mo lang yan teh!” o kaya mo yan, at nung may nakita naman kami na pogi, sabi ng kaibigan ko “epek ang lola mo!” o ang pogi nya. (2) Paggaya sa mga napapanood. Narinig ko sa kaklase ko ang salitang “ikaw na, dabes ka e!”, at meron din namang nanggagaya kay Shamcey Supsup sa kanyang “tsunami walk”. (3) Paggaya sa lakad ng aming mga kaklase. Nangunguna na dyan ang aking dalawang kaibigan, si Stephanie at si Mayaracint, na ginagaya ang lakad nina Jerold at Jamae. (4) Paggaya sa Korean Artist. Nangunguna parin dyan si Mayaracint, mula sa pananamit at pagmemeyk-up. (5) Paggaya naman sa mga taong “emo” o emosyonal. Nandyan sina Mary Rose, Faith at Angie. (6) Paggaya sa mga pamapaganda’t pampapogi. Siyempre lahat kami dyan. :)
Natural lang sa atin ang paggaya basta huwag nang lalampas sa sobra! 

Ang Pilipinas na Buo at Malakas

ni Rachelle A. Rangasajo


Minsan ba ay sumagi sa isipan mo kung bakit nga kaya hindi binalak ng Diyos nag awing magkadikit-dikit ang mga pulo ng Pilipinas? Iyong tipong hindi mo na kailangan na magbarko patungo sa Cebu o dikaya naman ay sumakay ng eroplano upang makapunta sa Davao. Hindi talaga natin kayang malaman nag lahat lalo na kung plano ito ng Diyos at naihanda na niya ito bago pa man tayo maisilang.

Naalala ko pa noong pinaguhit kami ng simbolo na maaarng maiugnay sa mga Pilipino at ang simbolong ginamit ko ay ang mapa ng Pilipinas, hindi dahil sa ito ang lugar kung saaan nakatira nag mga Pilipilo ngunit dahil sa hugis at anyo ng nito na sa aking palagay ay maglalarawan kung sini at ano nga ba tayo.

Isang salita lamang noon ang nangibabaw sa akin para ipaliwanag anag larawang iginuhit koat iyon ang salitnag pagkakaisa.

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107, na pulo, nag-iiba ang bilang nito sa iba’t ibang libro dahil sa ang isla ng Plipinas ay lulubog-lilitaw kung ituring,hiwa-hiwalay at magkakalayo;hindi maintindihan ang hugis at hindi pantay-pamntay ang laki ng bawat isla,pahaba rin ang kapuluang ito. Mga simpleng katangian na minsan ko nang naihambing sa mga Pilipino.

Marami nga ang bilang ng ating populasyon ngunit parang iilan lamang ang kumikilos para sa ikauunlad ng lahat. Nakatira tayo sa isang bansa, magkakahawig at magkakatulad ngunit tila hindi magkakakilala sa tuwing may nangangailangan na. malaki ang agwat ng mayaman sa mahirap , hindi nagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan. Marahil nakasisilip nga ang babaeng nakapiring na simbolo ng hustisya sa tuwing gagawa ng desisyon. Ang hindi maintindihang ugali nga mga Pilipino na produkto ng mga pumasok na kultur sa atin. Sa ganitong kalagayan hindi natin maipakikita ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa tulad ng ating mga pulo na hiwa-hiwalay.

Isa tayong bansa na hindi mapapansin kung hindi sa mga kalokohan at pangangailangan natin lalo na kung itatapat tayo sa mga naglalakihang bansa sa paligid natin. Kung tutusin

Di rin tayo kawalan o mahalaga kung kabilang man tayo sa mundo dahil para naman sa kanila ang bansa natin ay lugar at tirahan ng mga katulong at alipin ng mundo.

Siguro nga kay hindi ninais ng Diyos na paglapit-lapitin ang mga pulo ng Pinas ay dahil gusto niya tayong subukan sa kung hanggang saan natin kayang kumilos at maging isa kaya’t na tayo ay malayo sa isa’t isa. Tinitignan niya kung paano tayo mabubuhay kung malayo tayo sa isa’t isa at hindi nagtutulungan, kung tayo ba ay susuko at maghihirap o pipiliting abutin ang kanay ng bawat isa at itaas ito para maging isang Pilipinas, buo at malakas.