Sabado, Oktubre 8, 2011

ABF : gaya-gaya !!!


NI: LOVELY polyn ESPINA 
 Ugali na nating mga Pilipino ang gumaya sa mga nakikita o naririnig natin kahit saan pa ito galing…
Sa aming klasrum ay maraming grupo, kanya-kanya, walang pakialaman. Ngunit alam niyo ba kung ano nakapagsaasama-sama sa amin? Ito ang “gayahan portion.”
Akala niyo ba magpapahuli ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya dyan? Hindi no! maraming kalokohan ang nagaganap lagi sa aming klasrum: nandyan ang asaran, kulitan na lalo pang pinakukulay ng mga nakatutuwang salita o galaw. (1) Paggaya sa mga beki (bakla). Nang ako ay mapadaan sa isang grupo na may pinag-uusapan narinig ko ang salitang “sinetch itey” o sino ito, sa isa amang grupo na masayang nagkukwentuhan ay narinig ko ang “bonggang-bongga”, sinabi naman ng kaibigan ko sa akin ng ako ay may problema na “keribels mo lang yan teh!” o kaya mo yan, at nung may nakita naman kami na pogi, sabi ng kaibigan ko “epek ang lola mo!” o ang pogi nya. (2) Paggaya sa mga napapanood. Narinig ko sa kaklase ko ang salitang “ikaw na, dabes ka e!”, at meron din namang nanggagaya kay Shamcey Supsup sa kanyang “tsunami walk”. (3) Paggaya sa lakad ng aming mga kaklase. Nangunguna na dyan ang aking dalawang kaibigan, si Stephanie at si Mayaracint, na ginagaya ang lakad nina Jerold at Jamae. (4) Paggaya sa Korean Artist. Nangunguna parin dyan si Mayaracint, mula sa pananamit at pagmemeyk-up. (5) Paggaya naman sa mga taong “emo” o emosyonal. Nandyan sina Mary Rose, Faith at Angie. (6) Paggaya sa mga pamapaganda’t pampapogi. Siyempre lahat kami dyan. :)
Natural lang sa atin ang paggaya basta huwag nang lalampas sa sobra! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento