Ang Pilipino ay gaya ng narra
Matatag at matibay
Ang pagsuko ay bihira
Hindi nabubuwal
Ng pagsubok sa buhay
Ang Pilipino ay gaya ng anahaw
Simbolismo ng karangalan
Ng mga Pilipinong sa kahusayan ay umaapaw
Tanda ng kagalingan
Na sa atin ay biyaya ng Maykapal
Ang Pilipino ay gaya ng mangga
Matamis na ngiti ang ipinapakita
Kahit lubhang nahihirapan na
Hugis pusng bunga
Simbolo ng pagmamahal sa kapwa niya
Ang Pilipino ay gaya ng agila
Hari kung ituring sa teritoryo n’ya
Katapangan ay nananahan
Sa puso n’yang makabayan
Sa mga mananakop, siya’y lumalaban
Ang Pilipino ay gaya ng sampaguita
Kaputian ng budhi ay makikita
Ng mga mata
Na sa kabutihan ng kalooban tumitingin
At hindi sa panlabas ng kagandahan nagpapaalipin
Ang ating pambansang simbolismo
Ay kumakatawan sa pagiging Pilipino
Mga katangiang maipagmamalaki ni Juan
Na nagpapakita ng pagka makabayan
Ito sana’y manatili at sa puso nati’y manahan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento