Biyernes, Oktubre 7, 2011

SARILING WIKA: Daan sa Pag-unlad ng Bansa

Ni: Karla Niña Bautista Mallannao

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."

Isang pagpupugay at pagbati ng magandang araw sa lahat ng nandirito ngayon sa seminar na ito. Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa mga tao na nasa likod ng programang ito at sila ay nagtiwala sa aking kakayahan at ako ay kanilang inanyayahan sa isang napakabuluhang araw na ito. Isang malaking pribilehiyo para sa akin ang maging ispiker sa isang Seminar. Ito ang unang pagkakataon na ako ay magsasalita at naimbitahan sa isang seminar kaya dama ko ang kaba sa aking dibdib pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang di ninyo pagsisihan ang pakikinig sa akin.

Ang mga katagang aking nasambit sa aking panimula ay may kinalaman sa aking talumpati. Alam naman natin na ito ay patungkol sa ating wika. Ang ating pagmamahal sa wika. Sinusukat nito kung gaano natin kamahal, kahalaga at ipinagmamalaki ang Wikang Filipino.

Ang Pilipinas ay tunay na kakaibang bansa. Hindi lang dahil sa mga natatanging pagkakakilanlan natin ngunit pati na rin ang ating wika.

Ang Pilipinas sy isang bansa na hindi lang nag-iisa ang dayalekto. Dahil tayo ay maraming dayalekto na ginagamit. Dapat natin itong ipagmalaki sapagkat patunay ito na tayo ay mayaman at maunlad sa larangan ng wika. Sa halip na gamitin ang mga banyaga at dayuhang wika, ating pagyamanin , pagyabungin at paunlarin pa ang mga dayalektong tunay na sa atin!

Ngunit isang patunay na dapat nating ipagmalaki ang pagiging Pilipino natin ay hindi lang ang mga dayalekto ng ating bansa ang kaya nating gamitin. Sa katunayan, ay maraming Pilipino ang mahuhusay sa pagsasalita ng ibang mga lenggwahe lalo na ng ating "universal language", ang Ingles. Hindi lahat ng mga dayuhan at banyagang tao ay magaling sa pagsasalita ng Ingles.

Bago ko tapusin ang aking talumpati sa araw na ito ay may iiwan akong isang mahalagang bagay na tatatak sa ating isipan. Dapat nating mahalin ang ating sariling wika dahil ito ay daan patungo sa pag-unlad ng ating bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento