Sabado, Oktubre 8, 2011

Tayo ay PILIPINO

Isang magandang umaga sa inyong lahat!

Isang napakalaking karangalan ang maging panauhing tagapagsalita sa Seminar na ito sapagkat ako ngayon ay nakaharap sa inyo, mga bagong bayani ng ating bansa at tagapagtaguyod ng Wikang Filipino.

Identidad ng Pilipino, ito ay isang madaling paksa kung titignan ngunit napakalalim kapag tinalakay. Paano ko ba sisimulan ang pagtalakay ng Identity nating mga Pilipino? Sa pagbibigay ba ng mga halimbawa? Pagbibigay ng isang matalinghagang paksa? o di kaya’y umpisahan ko sa isang maikling pahayag?

Ang pagiging isang Pilipino ay hindi nababatay sa kung ano ang estado natin sa buhay, kung ano ang trabaho ng ating nanay at tatay, at kung ano ang pangarap natin sa buhay. Ang pagiging Pilipino ay makikita sa kung paano natin pahalagahan at pagyamanin ang sariling atin , ang mga biyayang bigay ng ating Panginoon at ang mga kaalamang minana natin sa ating mga ninuno na ating pinayayabong.

Napakalaking responsibilidad ang nakapatong sa ating mga balikat bilang isang Pilpino na dapat nating harapin, gamitin natin ang ating talino at ang mga minana nating kaalaman sa ating mga ninuno upang mapagyabong pa ang ating bansa. Huwag tayong mahumaling sa mga dayuhan sapagkat ang sobrang pagkakahumaling sa kanila ay magdudulot sa atin ng hindi magandang impluwensya. Dito kasi nag-uugat ang pagtatakwil natin sa sarili natin identity at pinipilit nating maging dayuhan sa sarili nating bansa.

Tayong mga Pilipino ay kilala bilang matapang at masigasig, bakit hindi natin ito gamitin na daan upang pagyamanin ang ating bansa gamit ang sarili nating kakayahan. Ipagmalaki natin sa buong mundo na tayo ay Pilipinong matatag at produktibo.

Kayong mga kabataan ang mag-umpisa ng panibagong henerasyon kung saan gagamitin niyo ang inyong pagka-Pilipino para pagyamanin ang kultura at payabungin at ekonomiya ng ating bansa. Maging isang matatag at produktibo kayong mga Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento