ni Karen F. Fababeir
Masaya, maharot, at maingay
ganyan ko mailalarawan ang pamilya ko
Masaya pag magkakasama
Maharot pag nagkakatuwaan
at Maingay pag nasobrahan
Si Tatay,
Mabait , makulit pero malambing
"The Best Carpenter" para samin
magaling magplano ng buhay at ng bahay
nag-iisang asawa at ama ng aming buhay
Si Nanay.
ang nag-alaga at nagpalit ng lampin namin
ang "Cook" ng pamilya namin
siya at nagpapakulay at nagpapasarap ng bawat pagkain
Ang nagpapataba sa kuya at tatay namin
Si Ate,
ang pinakamaliit yata sa pamilya namin
wala siyang katulad para sakin
"TheBest Sister and Adviser" para sakin
responsable,mapagmahal, at maalalahanin
Si Kuya,
mataba, matakaw, at "Talented"
Magaling kumanta ,sumayaw at magpatawa
Siya rin ang nakamana ng galing sa pagluluto ni Ina
di maipagkakailang Siya ang pinakamalusog sa pamilya
at Ako,
ang bunso ng pamilya
makulit, maharot at maliit
nagmana sa tatay kong singkit
kahit wala namang lahing Intsik
Ito ang pamilya ko
tulad mo, Mahal ko ang pamilya ko
kaya't iniingatan ko
at pinapahalagahan ko
ang bawat miyembro nito
Ating tandaan,
Ang pamilya ay mahalaga
pangalawa sa Diyos na may lalang
Kaya't ingatan natin ito
at mahalin ang bumubuo rito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento