Hala !
Ni: Regine C. Catolico
Hi!?
Anong pangalan mo?
Ito talaga gusto mo?
Ano dapat course mo?
Saan ka nakatira?
Mga tanong na aking unang narinig paspasok ko sa W-405 ng PUP Mabini Campus. Mga tanong na tila ba nagpapakilala na iba-iba ang mga kasa ma ko. Kung ako ang tatanungin kung bakit ako nandirito?, aba ewan ko din, no choice kong maituturing ngunit inisip ko na lang na lahat ng bagay may pla angn Diyos. Halos lahat ng nasa silid na iyon ay ayaw sa programang aming napuntahan. Karamihan sa mga taong aking natanong, nais mapunta sa larangan ng midya at ang ilan naman ay nais maging inhinyero, ngunit lahat ng mga taong ito ay tila hindi pa alam ang mangyayayari sa paglipas ng ilan pang araw. Hindi ko alam kung sino ang aking makakasundo dahil nakikita kong iba’t iba ang hilig naming. Ngunit sa kabila ng mga ito, natututunan din naming mahalin at maunawaan ang mga bagay tungkol dito.
Sa loob ng klaseng ito makikita mo agad na mayroong kanya kanyang grupo dahil sa pagkakaiba ng hilig. Mayroong grupo kung saan sa pagsasayaw ay magaling, mayroon ding kala mo pag-aaral lang ang alam ngunit kinalaunan ay makukulit pala, mayroon namang seryoso sa piling mga aspeto, grupong hindi mo maintindihan at grupo ng mga nagpupumilit maging gwapo. Kung ako ang tatanungin mo kung saan ako nabibilang, ito lang ang masasabi ko , “mura-kutos”. Ganyan kasi ang pinanukalang batas ng isa sa mga miyembro namin. Siguro upang kawawain ang isa dahil sa tindi ng kanyang pagmumura , ngunit ito ay nagsisilbing leksyon upang siya ay baguhin.
Iba-iba man kami ng hilig, nagkakaisa naman kami sa mga pagkakataong may nangangailangan ng tulong, may gawaing sangkot ang lahat at kapag ayaw naming sa isang guro. Marami ng guro ang aming nakilala na sumubok sa aming pagtitiis. Mayroong hindi mo maintindihan ang nais niyang ipagawa, may ilang kasundo naming kahit sa kalokohan. May isang guro kami na hindi ko matiyak ang mga salitangn aking gagamitin bilang deskripsyon sa kanya. Dala siguro ng hindi naming madalas na pag-uusap. Marahil may nakatakdang panahon upang magkakilala kami ng gurong aking tinutukoy. Ngunit isang bagay ang magpapaalala sa amin tungkol sa kanya. Ito ang salitang retorika. Dyan naming naranasan ang tumakbo at maghabol sa oras ng kanyang klase. Parang nagkaroon ng gulo ng sabay-sabay kaming pumasok sa aming silid. Nakatutuwang isipin na nagkaisa lahat dahil sa retorika. Tunay na ang pagkakaiba-iba ay maaring gawing isa sa oras ng pangangailangan. Saludo ako ABF 2-1!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento