Isang magandang araw sa lahat ng mga mahal kong kababayan. Isang malaking pasasalamat ang aking hatid sa inyo dahil hinayaan ninyo akong magsalita at handa kayong makinig sa aking mga sasabihin.
Sa panahon ngayon, napakaraming krisis at problema ang dumaraan sa ating bayan. Alam ko rin na hindi ito ganoon kadali para masolusyunan. Pero ngayon pa ba tayo susuko? Sa dami ng mga pagsubok na dumaan at nalagpasan natin, wala ng dahilan para tayo ay sumuko.
Kaya ngayon, sama-sama tayong sirain ang paniniwalang lalong humihirap ang Pilipinas dahil sa mga namumuno. Alam natin na ang mga Pilipino ay malalakas ang loob. Kahit ano pa man ang damang pagsubok ay hindi sumusuko. Sama-sama nating tanggalin sa mga isipan ng mga dayuhan na ang mga Pilipino ay Indiyo.
Alam ko na kayo ay nag-aalinlangan sa akin sapagkat ako ay isang babae. Alam naman nating lahat na malayo ang tingin ng mga tao sa babae sa mga lalaki. Dahil mas maraming kayang gawin ang lalaki kaysa sa aming mga babae. Pero nandirito ako sa inyong harapan upang sirain ang paniniwalang iyon. Papatunayan kong hindi lang dapat nasa bahay ang babae para mag-alaga ng mga anak at gumawa ng mga gawaing bahay. Papatunayan kong kaya naming mga babae na mamahala sa isang bayan at alagaan ang kanyang mamamayan gaya ng pag-aalaga niya sa kanyang mga anak at pagtupad sa kanyang mga tungkulin gaya ng pagtapos niya sa mga gawaing bahay.
Hindi ako nangangako, bagkus ay gagawin ko na lamang ang aking makakaya. Kung hindi man ako manalo ay patuloy parin akong tutulong para mapaunlad ang ating bayan upang mapatunayan kong hindi lang pera ang habol ko sa pagtakbo bagkus ang hanap ko ay kaunlaran, kapayapaan at pagkakaisa ng bawat mamamayan at ng ating bayan. Maraming Salamat po!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento