Magandang araw para sa ating lahat!
Napakahalagang araw para sa aking nag makatayo sa inyong harapan at inyong mapakinggan dahil mula sa mga oras na ito a isang pagbabago ang hihilingin kong sisimulan natin at iyon ay sa tulong ninyo.
Alam ko pong napakarami na ang sumubok na kunin ang inyong mga tiwala upang isagawa ang kanilang mga personal na balak sa bansa. Magsisinungaling po ako kung sasabihin kong iba ako sa kanila dahil hihilingin ko po ang inyong tiwala para sa personal na balak ko sa bansa na kasama kayong makikinabang.
Alam ko rin pong pagod na kayo lalo na ang inyong mga tainga na making sa mga pangakong, ngunit sa pagkakataong ito nanaisin kop o kayong makasama sa mangangako at tutupad nito dahil imbes na hintayin ninyo ang grasya na mahulog mula sa kawalan ay kayo mismo ang gagawa’t kukuha nito.
Magiging pangunahing konsepto ng aking pamumuno ang mga katagang
Naniniwala po kasi akong na ang pag-unlad ng isang tao ay nasa kanyang mga kamay at hindi sa ibinibigay na tulong ng iba sa kanya. Kaya’t ang pag-unlad na ating inaasam ay sisimulan natin sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, ang pamilya. Sisiguraduhin natin na ang bawat haligi ng bawat pamilya ay magkakaroon ng hanap-buhay, nakapagtapos man ng pag-aaral o hindi, ito ay sa pamamagitan ng mga training na ibibigay sa kanila ayon sa kanilang kakayahan ( kung ito ay pang-elektrikal, pagkakarpintero, paggawang sapatos, pagiging tubero at maging ang pagsasaka) sa paraang ito ay magkakaroon ang bawat pamilya ng kikita para sa kanilang pangangailangan. Para sa ilaw ng tahanan, alisin natin ang konsepto na pantahanan lamang sila kaya’t ang mga pagsasanay na ito ay makukuha rin nila (maaaring sa pagluluto o pananahi).
Ipagpaptuloy natin ang pagkilala sa atin bilang isang bansang malapit sa pamilya at maisakatuparan ito kung mayroon lamang ligtas at maayos na tirahan ang isang pamilya kaya’t ang mga nasa squatter’s area ay ililipat natin sa probinsiya upang doon manirahan. Napakalaki po ng mga lalawigan natin upang magsisikan tayo sa lungsod kaya’t kung trabaho lamang ang kanilang iisipin mas malaki po ang oportunidad sa mga probinsiya. Maaari silang magsaka at tutulong sa kanila ang pamahalaan kaysa naman sa maging tambay sa lungsod.
Ang edukasyon ang magiging sandalan ng mga kabataan upang makabuo ng isang kahalintulad ng mga kabataan noon,magalang,matalino, masipag,at masiyahin kaya’t kalidad ng edukasyon natin ang kailangang pataasin sa pamamagitan ng paghasa sa mga magiging guro at pagdaragrag ng gamit sa eskwela. Muli tayong huhubog ng isang Rizal,Bonifacio, Aguinaldo at Mabini; kasing-galing,kisig,talino at tapang nila.
Ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita ay ipakikita natin sa pamamagitan ng turismo na ating paiigtingin. Ipakikilala natin ang tunay na ganda ng Pilipinas na kahit ang mga kababayan natin ay mamamangha. Ibabalik natin ang ganda ng Banaue Rice Terraces. Pangangalagaan ang Subterranean River at Boracay upang maging kaakit-akit at kahali-halina.
Sisirain natin ang konsepto ng colonial mentality at sisimulan ana tangkilikin ang gawang Pinoy, para maipatupad ito ay lilimitahan natin ang pagpasok ng mga produkto ng ibang bansaat tay mismo ang gagawa ng ating mga kailangan sa ganitong paraan ay sa atin ang kita at hindi sa ibang bansa.
Babaguhin natin ang konsepto na ang Pilipino ay alipin lalo na sa ibang bansa sila ay ating hihikayating bumalik sa panahon na mayroon na tayong sapat na trabaho para sa kanila.
Ang mga pangakong ito ay hindi isang ningas-kugon na sa simula lamang magagawa, magiging matagumpay ito kung magtitiwala at tutulong ang lahat sa akin. Ako ang inyong magiging kamay sa pamahalaan at kayo ang aking magiging isip upang ang lahat ng ito ay maisakatuparan ko. Gagawin natin ang tunay na kahulugan ng demokratikong pamamahala. Ang pamahalaan ng nakararami ,para sa nakararami at ayon sa nakararami.
Umaasa po akong ang Pilipinas na sa darating na pagbabago ng namamahala ay hindi ko na makilala di dahil sa kaguluhan ngunit sa kaunlarang tinanatamasa nito.
Muli magsimula tayong magtiwala at kumilos nang sabay upang ang kaunlarang inaasam ay ating makamtan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento