Magtulungan tayo
Ni: Regine C. Catolico
Batid kong karamihan sa ating mga Pilipino ay mahirap, ngunit , kaya natin itong malagpasan basta’t tayo’y nagtutulungan at magkaroon ng isang pinunong may pag mamalasakit . Sino ba ang ayaw umunlad? Sinong ayaw umangat sa buhay? Paano tayo uunlad kung ang sting pinuno ay huwad?
Narito ako sa inyong harapan hindi upang mangako. Narito ako para humungi ng tulong . tunay na mahirap at delikadong maging pinuno ngunit lakas loob po akong titindig at hihingi ng tulong niyo. Buong tapang ko pong sasambitin sa inyo na magtiwala kayo sa aking kakayahan. Hayaan po ninyong kayo’y aking pagsilbihan upang sabay-sabay po nating makamit ang kaunlaran na ating nais.
Laganap sa ating lipunan ang mga batang lansangan na nakikita nating namamalimos at namamasura para sa kanilang pagkain. Pahintulutan niyo po akong bigyan sila ng pagkakataon upang sila ay bigyan ng libreng edukasyon na kanilang magagamit upang makaaalis sa buhay na kanilang kinagisnan . May batas po tayong, “no collection policy” ngunit hindi po sapat ang batas na iyon upang lubos na masulusyunan ang pag-aaral ng mga kabataan. Paano po sila makakapag-aral ng maayos kung walang laman ang kalamnan nila? Kaya naman po siniguro n gating gobyerno na sagutin ang pang-recess ng mga bata. Isang sagot-baon programa po ang nais kong ipatupad nang maibsan naman po natin ang malaking problema hinggil ditto. Isa pa lang po yan sa aking mga binabalak, marami pa po akong nakapilang panukala at mga programa para sa inyo.
Hindi kop o ito magagawa ng ako lang, dahil malaki po ang gagampanan ninyong papel upang magawa natin ang ating mga hakbangin tungo sa ating kaunlaran. Nasa inyo po ang desisyon at kayo po ang bahala sa inyong hatol. Nawa’y maging patas ang inyong hakbang at gabayan po kayo ng ating panginoon sa pagpili ng nararapat.
Maraming Salamat Po!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento