Sabado, Oktubre 8, 2011

Magpakailanman

ni: Carina G. Nocillado


Handang siksikin ang labinlimang tao
Kayang tiisin ang alanganing pag-upo
Ilan lang ‘yan sa mga bagay na gagawin ko
Upang muli kang makita at makilala
Mapasagot at aking mapangasawa


Hinihintay na ikaw sa bintana’y dumungaw
At makinig sa saliw ng aking gitara
Di nga nagtagal magulang sa magulang ay nagharap
Hinayaan tayong tumuloy sa sagradong lugar
Upang doo’y mangakong magsasama magpakailanman


Ako bilang haligi ng ating tahanan
At ikaw na siyang nagsilbing ilaw
Kapwa pinaliligiran at pinaliligaya
Pinatatapang sa lahat ng problema
Nang ating mga anak na ipinagkaloob ng Maykapal


Kay bilis talaga ng mga sandali
Ang ating mga anak na dati’y kay liliit
Ngayo’y mas matagumpay pa kaysa sa ating nakamit
At tulad nga sa sinapit ng ating pag-ibig
Sila’y nangako na ding gagawin ang kanilang ibig


Lumipas man ang maraming taon
Kumupas man ang anyo natin ngayon
Walang anumang pagsisisi ang naroon
Dahil tunay na pag-ibig ang ating pinagsaluhan
Sa piling ng bawat isa magpakailanman



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento