Bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki ko ang aking lahi. Lalo na ang mga identidad na kakaiba at tanging mga tunay na Pilipino lang ang mayroon. Hayaan po ninyong ihain ko sa inyo ang ilan sa mga katangi-tanging pagkakakilanlan ng Pilipino.
Ngunit bago ang lahat, isang napakasing na araw po sa lahat ng naririto. Isa sa mga identida ng mga Pilipino ay ang pagiging magalang. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagsabi ng "po" at "opo" sa mga mas nakatatanda sa atin. Paggalang na maituturing ang pagsasabi ng "po" at "opo" sa mga di natin kakilala. Kusang lumalabas at likas na sa ating mga labi ang mga salitang ito. Paggalang din ang pagmamano sa mga mas nakatatanda sa atin. Ngayon, unti-unti ng nawawala ang ganitong senaryo. Ngunit umaasa ako at alam ko na hindi na ito mawawala sa isip at damdamin ng mga Pilipino.
Isa pa sa hinahangaan ko sa mga Pilipino ay ang pagiging magiliw sa mga bisita. Kilala tayo sa pagiging "Hospitable". Ang matinding pag-aasikaso sa mga bisita tuwing sila ay may kailangan. Isa pa sa mga patunay ng pagiging magiliw ng mga Pilipino ang pagsalubong at pagsabit ng kwintas na gawa sa mga bulaklak para sa mga dayuhang pumupunta sa ating bansa.
At ang pangatlong pagkakakilanlan na pinakapaborito ko sa lahat ay ang pagiging masayahin nating mga Pilipino. Marami ng napatunayan ito. Dahil alam naman natin na kahit hindi gaanong kaunlad ang ating bansa at kahit sa kaliwa't kanang mga problema ay hinding-hindi parin nawawala sa mga Pilipino ang ngiti sa kanilang mga labi. Patunay din ito na tayo ay naniniwala at nananampalataya sa Diyos. Tayo ay naniniwala na ito ay pagsubok lamang Niya at matatapos din ang mga problema dahil may Diyos na gumagabay sa atin.
Ilan lamang yan sa mga patikim na identidad nating mga Pilipino. Hindi lang ang mga iyan ang dapat ipagmalaki nating mga Pinoy. Lagi lang nating tatandaan na ang mga Pilipino ay isang tunay na produktibong tao. Maraming Salamat po!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento