Sabado, Oktubre 8, 2011


KAIBIGAN



    ni: Regine C. Catolico

         Minsan na nating naitatanung sa ating mga sarili kung sino ba ang dumadamay at tumanggap sa kung ano tayo. Mayroon nga tayong tinatawag na mga kaibigan ngunit, handa ba silang mag sakripisyo at maglaan ng oras para sa atin? Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan?
          
  Noong ako’y nasa mataas na paaralan pa lamang o hayskul, marami na akong nakilala at nakapagpalagayangloob na maaari kong tawaging mga kaibigan. Kasa-kasama ko sila sa mga panahong libre an gaming oras at kahit mismo sa loob n gaming silid-aralan. Sabay-sabay kaming nagbabalik-aral sa tuwing nagsasabi an gaming guro na mayroong pagsusulit kinabukasan, subalit ni minsan hindi namin nagawang magtulungan sa pag sagot sa mga tanong n gaming pagsusulit. Sabay-sabay din kaming nag-uusap-usap sa kung paano naming gagawin ang mga indibidwal na Gawain , ngunit hindi mawawala ang pagkakataong inaabangan ng lahat ang magiging hatol na grado sa sa bawat isa. Kahit hindi sabihin, hindi maitatangging nagkaroon ng kompetisyon sa pagtan ng bawat isa. May mga pagkakataon pang nagpapataasan pa sa kung anong grado ang matatanggap sa katapusan ng bawat markahan. Tila isang tradisyon na sa amin ang mga ganoong pangyayari na hindi ko makakalimutan, na para bang paglalarawan sa salita na maaaring gawing  deskripsyon sa kung anong buhay sa hayskul ang mayroon ako. Ibang-iba sa mga karanasan ng mga kaklase ko nagyon, ngunit hindi ko pinagsisisihan ang mga pangyayaring ito, sapagkat sila ang nakasama ko at isa sa mga humubog sa kung ano ako ngayon , kahit na mayroong mga pagkakataong hindi nagkakaintindihan, tuloy parin ang agos ng pagsasamahan.
           
 Nang kami’y  makapagtapos , iyon na rin ang panahon upang ang landas naming ay magkalayu-layo. Iba’t-ibang  unibersidad ang pinatunguhan ng iilan. Mayroong napunta sa mga pribadong paaralan, ang iba’y sa mga pampublikong unibersidad at ang iba ay ninais na  mag hanap buhay at kumita ng pera. May ilang tila nakalimot naat ang ilan ay mas tumibay ang pagsasamahan. Sadyang may mga bagay lang na dapat pagtuunan ng panahon kaya hindi mawawala ang mga tampuhan. Ngayong nasa kolehiyo na ako, iba’t-ibang mukha at karakter ang aking nakilala. Dito ko naranasan ang iba’t-ibang mga bagay. Isa na diyan ang pagtutulungan sa iba’t-ibang aspeto, lalu na sa panahong gipit ka at nangangailangan ng tulong. Dito ko rin naranasan supresahin sa aking kaarawan na hindi ko naranasan noong hayskul. Sinosorpresa  naman nila ako, yun nga lang ay indibidwal na surpresa. Sa kolehiyo ko lang din naranasang mapasaya ang aking mga kaklase sa kabila ng kakornihang taglay ko. Ibang-iba sa dati dahil noong hayskul kanya-kanyang kuha ng silya ngunit ngayon hindi ko makakaila na Masaya ako sa nangyayari ngayon. Sadyang ang salitang kaibigan ay hindi lang sa paraan ng ugnayan nababase, ito ay base sa kung paano ka nila tatanggapin at sasamahan sa mga pagkakataong kailangan mo ang kaibigan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento