Ni : Janica L. Ruiz
Pagbati ng isang magandang umaga sa inyo mga kaibigan. Tayo po ay natipon dito para balikan kahit sandali lamang ang isa sa mahalagang identidad ng mga Pilipino. Gaya nga ng tema n gating seminar na ito na : “Pakikipagtulungan, daan patungo sa tagumpay”. Naniniwala ba kayo sa tema ng ating seminar ? Ako, oo. Kapag may gusto kang gawing isang bagay, magiging determinado kang gawin ito at matatapos mo ito, ngunit kung ikaw ay may katulong at pareho ninyong gusto ang ginagawa nyo, mas madali nyo itong matatapos.
Tayong mga Pilipino ay likas na matutulungin sa ating kapwa. Bata man o matanda. Hindi tayo pumipili ng ating bibigyan ng tulong. Pamilyar pa ba kayo sa Bayanihan ? Alam kong bihira na lamang sa inyo ang nakakaalam nang katagang iyon. Alam nga sa salita pero hindi ang mas malalim na ibig sabihin nito. Bihira na lang kasi ang gumagawa nito. kahit ako, tanging sa telibisyon ko na lamang ito nakikita. Paano pa malalalaman ng mga susunod pang henerasyon ang bagay na ito kung ngayon pa lang ay kinakalimutan na natin ito ? Nakakalungkot isipin na ang dating gawain ay ngayon ay limot na.
Mga kaibigan, hindi lang ang pagbubuhat ng bahay ang ibig sabihin ng bayanihan. Simbolo ito na ang Pilipinas ay mayaman sa kultura noon. Para sa akin, mayroon itong mas malilim na kahulugan. Ito ang pakikisama o pakikipagtulungan sa kapwa. Ang sarap panoorin ang mga taong may pagkakaisa. Nagkakapit-bisig ang lahat para sa isa. Yung tipong hindi lang ang pagbubuhat ng bahay ng bahay ang masaya kundi iyong samahan na mabubuo nyo sa sandaling oras ng bayanihan at syempre, yung pakiramdam mo na maluwag sa dibdib dahil nakatulong ka sa nangangailangan.
Ang nakakalungkot lang pong isipin ay ang kakaunti na lamang talaga ang gumagawa nito. Sa iilang probinsya na lamang may ganito. Unti-unti ng nakakalimutan ang bayanihan. Patuloy itong ibinabaon sa limot. Nakakaawa ang susunod na henerasyon. Baka nga hindi na sila makasaksi ng ganitong klase ng kulturang Pinoy e. puro teknolohiya na lamang ang malaman nila at tuluyang makalimutan ang mga kultura natin.
Hayun po mga kaibigan. Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Samahan nyo akong maglakbay sa sinasabi nilang tuwid na landas na hindi at walang kinakalimutan na alinmang kultura. Ating ibalik ang Bayanihan. Bayanihan : simbolo ng kabutihang loob ng mga Pilipino. Ako’y naniniwala na kung tayo ay magtutulunagn, makakamit natin an gating mga mithiin. Halina kayo ! Maraming salamat mga kaibigan sa pagdalo at pakikinig sa Seminar na ito. Sa uulitin po. Inaasahan ko muli ang inyong pakikinig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento