Sabado, Oktubre 8, 2011

KULTURANG PINOY : ano nga ba ang pinagkaiba, NOON at NGAYON!


NI: Lovely Polyn Espina
                Ano nga ba ang kulturang Pinoy? Ano nga ba ang pinagkaiba nito noon at ngayon?
                Kulturang Pinoy, ito daw ang mga nakasanayan na nating Pinoy na gawin.
                Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa kultura. Gaya ng wika, ang kulturang Pinoy ay dinamiko, nagbabago. (1) Panliligaw ng lalaki sa babae. Noon, ang mga lalaki ay nagsisilbi sa magulangng babae; nandiyan ang pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig o samakatuwid, pagpapaalila sa magulang ng babae. Kasama pa diyan ang panghaharana ni lalaki kay babae. Mahaba din ang panahon ng panliligaw at malas si lalaki kung hindi siya sagutin ni babae. Ngayon, hindi na kailangan dumaan kay nanay o kay tatay, kahit walang basbas nila ay maaari ng manligaw. Nandiyan na kasi ang “text”, “facebook”, “chat”, at “”love match” sa mga radyo. Meron namang ilan na nakikilala lang sa pagdiriwang, maya-maya ay magsyota na (magkasintahan). Ika nga ng matatanda, “noon, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae. Ngayon, para nalang itong isang laro, madaling umpisahan at tapusin.” (2) Kasal. Noon, may sayawan pa sa gabi bago ang kasal, may bigayan pa ng pera ang mga ninong at ninang pagkakatapos ng kasal, hindi maaaring magsama ang lalaki at babae bago ang kasal o kahit magkita ay bawal, at higit sa lahat, ang mga ito ay ikinakasal sa simbahan. Ngayon, ikakasal ang magkasintahan kahit hindi pa nila gusto kundi dahil buntis na ang babae. Maaari na rin kahit hindi sila sa simbahan ikasal. Nauso din noon ang “fix marriage” o ikakasal ang hindi magkakilalang Eva at Adan dahil sa kagustuhan ng kanilang angkan. Ngayon ay bihira nalang ang gumagawa ng ganyan. Ika nga ng matatanda, “ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag isinubo’t napaso ay iluluwa, matutong magtiis kahit napapaso ang dila.” (3) Po at Opo. Noon, kapag tinawag ka ni nanay o noi tatay at sumagot ka ng walang po o opo, siguradong dudugo ang bibig mo dahil sa sampal. Kailangan din ang po at opo kapag sumagot ka sa nakatatanda sayo. Ngayon, kapag tinawag ka ni nanay o ni tatay kahit hindi ka sumagot ng po o opo ay ayos lang. ika nga ng matatanda, “iba na talaga ngayon ang kabataan kaysa noon, mga BASTOS na.” (4) Kasuotan ng kababaihan. Noon, ang sinusuot lamang nila ay mga damit na mahahaba ang manggas, palda na mahaba, at abaka. Ngayon, ang makikita mong suot nila ay sando o “sleeveless”, “short” na maiksi, at mga matataas na takong o “sandals” na makulay, pula, itim, dilaw atbp. Ika nga ng matatanda, “ang mga kababaihan ngayon ay wala ng tinatago.” (5) Pagkain. Noon, sapat na sa mga Pinoy ang kamote, saging na saba, gulay o anumang tanim na galing sa bakuran basta sabay-sabay kumakain ang pamilya. Ngayon, ang kinakain na ay “pasta”, matatamis na pagkain, karne atbp. Kahit hindi na rin kumain ng sabay-sabay dahil ang iba ay sa mga “fast food” na kumakain. Ika nga ng matatanda’ “hindi masaya ang mga Pinoy noon kung walang mga gulay. Ngayon, ayos lang sa mga Pinoy kung may gulay man o wala.”
                Hindi masamang magkaroon ng bagong kultura basta hindi ito makasasama sa ating bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento