Sabado, Oktubre 8, 2011

Pilipino tungo sa Tagumpay

Ni: Judy A. Belleza


Alam naman nating lahat na tayong mga Pilipino ay likas na matiyaga at masipag. tayo rin ay matatalino at magagaling, biniyayaan tayo ng Maykapal ng maraming katangian, ilan lamang doon ang aking mga nabanggit kanina, upang paunlarin ang ating mga sarili, upang paunlarin ang ating bansa at upang ipakilala sa buong mundo na tayo ay mga Pilipino, PILIPINO na matagumpay.


Ang mga katangian nating ito ang tutulong sa atin, kaya naman ating paunlarin at gamitin ang mga ito. Hayaan ninyong maging isa ako sa mga taong tutulong sa inyo upang paunlarin ang mga katangian nating ito, upang sabay-sabay nating mapaunlad ang ating bansa at makilala tayo sa buong mundo bilang isang maunlad na mamamayan na may maunlad na bansa.


Nasabi ko kanina na likas sa ating mga Pilpino ang pagiging magaling at matalino, totoo po ito. Kaya naman nais kong tumulong na paunlarin pa ang likas na katangian nating ito sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga gusali sa ating mga pampublikong paaralan. Nais ko ring mapaunlad ang ating katalinuhan sa pamamagitan ng pagdodoneyt ng mga libro at pagpapatayo ng mga silid-aklatan na tiyak kong makatutulong sa ating mga kabataan na nag-aaral.


Sa ating mga kabataan na hindi makapag-aral dahil sa kahirapan, inihahandog ko po sa inyo ang aking programa para sa mga Iskolar ng bayan, sa pamamagitan ng programang ito ay makapag-aaral na ang mga kabataan na salat sa yaman ngunit mayaman naman sa katalinuhan. Sa ating mga kababayan na masisipag at matitiyaga tulad ng ating mga magulang na namo-mroblema dahil sa pagkakatanggal sa trabaho inihahandog ko po sa inyo ang mga bagong trabaho na tiyak na makatutulong hindi lamang sa inyong pamilya kundi pati narin sa ekonomiya ng ating bansa.


Napakarami ko pa pong mga plano tungo sa ikauunlad ng ating bansa at ng ating mga sarili, ngunit hindi po nating makakamit ang mga ito at ang tagumpay kung hindi po tayo magtu-tulungan. Kaya naman po nandito ako ngayon, humihingi ng tulong sa inyo sa pamamagitan ng inyong mga boto sa susunod na eleksyon, dahil ang susi ng ating tagumpay ay ang pag-tutulungan, kaya naman po ngayong eleksyon pairalin po nating ang ating paguugali na bayanihan. Iyon lamang po, mabuhay tayong mga Pilipino at maraming salamat sa inyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento