Kung ang wika ay bandila,
Ako’y hahanap ng malusog na lupa
Aakyatin ang bundok, at ito’y ipupunla
Upang Makita ng bawat isa,
At manumbalik ang kanilang ala-ala
Na ang wika natin ay simbolo,
Simbolo, ng ating pagkatao
Pagkakakilanlan ng lahing Pilipino
Sa Apari man, hanggang Jolo
At sa iba pang panig ng mundo
At kung hindi man makita,
Itinayo kong bandila
Ng mga kapwa ko Pilipinong naglipana,
Sa iba’t ibang dako ng bansa,
Titindig akong hawak ang aming bandila
Alam kong sila’y makakaunawa
Sapagkat puso’t dugo ay sa iisa lang gawa
ito ang amin ng nakagisnan
Kaya saang bansa man manirahan,
Pilipinas pa rin ang babalikan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento