Sabado, Oktubre 8, 2011

PAG-iBIG; NOON PAGMAMAHAL; NGAYON

ni : iSTiiiPH PORTASYO. ;))




Isang prebelehiyo para sa akin na tumayo sa inyong harapan, at huwag bigyan ng pagpipilian kundi ang ako ay pakinggan. Pagbati po ng magandang araw para sa lahat.


Ang NGAYON, sadyang kinalaban na at ibinaon ang NOON. Isang magandang senyales, kung ang paglimot sa noon, ay syang nagtulak, para umunlad kung ano ang meron at kung ano tayo ngayon. Ngunit, tama ba ang lahat ng atin nang itinapon? 

 
Sa aspeto ng pag-ibig, masayang balikan ang NOON, na panahon. Mga damdaming humahanga sa isa’t isa ay milyon-milyon muna ang pakikibaka sa kaba, bago maiparating ang nadarama. Kung hindi malakas ang loob, gagamitin ang pagiging pagkamakata. Gagawa ng tula, at ibibigay sa dalagang kursunada. Ang panunuyo ng mga kalalakihan ay tila ba katumbas ng pagiging alipin ng babaeng kanilang iniibig. Mahabang paghihirap muna ang kanilang pagdadaanan bago tuluyang makuha ang matamis na oo ng kanilang naibigan. At ang pagaasawa, ay hindi na lamang basta basta. Pinaghahandaang maigi, at hindi lamang nangyayari dahil sa isang pagkakamali na tinatawag nilang “aksidente”.
Ngunit sa panahon ngayon, ang Pag-ibig ay binigyang kahulugan bilang pagmamahal. Mababaw. Ang mga lalaki, mahilig gumamit ng retorika, mahusay magsalita, ipapangako ang langit at lupa. Masigasig sa paggamit na kanilang mga selpown para iteks ka. Tanda raw ito na nanliligaw sila. Ihahatid ka sa pag-uwi, ngunit hindi sa mismong bahay. Ang dahilan, takot sa iyong inay at itay. At kapag pinatagal mo sila sa panliligaw, di kalaunan, magsasawa sila agad at ikaw ay iiwan. Ang pagmamahal sa panahon NGAYON, ay tila ba isang usong laruan lamang. Agad agad nagugustuhan ng mga kabataan. Ngunit itatapon rin kapag may uso na o mas maganda ng nakita. 

 
Bakit natin kinakalimutan ang atin ng nakagawian? Nakagawiang magandang katangian ng mga kalalakihan. Sana sa panahon ngayon, ay may naiiwan pa rin na ‘makalumang lalaki’ na handang gawin at ipakita ang tunay na pag-ibig. Ang mga natitirang lalaki na maninindigan, magpapaunawa at sisikaping ibalik ang tatak ng mga Pilipino sa larangan ng Pag-ibig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento