Biyernes, Oktubre 7, 2011

Balikan. Sariwain ang dating mga Pilipino

Ni : Janica L. Ruiz

“Ating mga kultura ay balikan at huwag kalimutan, ating identidad ay kilalanin”

Ang atin pong tema sa patimpalak ng talumpating ito ay bagay sa panahon ngayon. Ngunit bago po ang lahat, binabati ko muna kayong lahat ng magandang araw. Ang atin pong tema ay napapanahon at babagay sa ating lahat. Sa ating mga Pilipino. Ngunit teka, Pilipino ka bang talaga ? Ang talumpati ko pong ito ay para sa ating lahat. Bata man o matanda. Pilipino nga ba tayong lahat ? siguro noon, ngayon ay hindi na. Tutal ang atin pong paksa ay tungkol sa identidad, nais kop o sanang sariwain natin ang nakaraan. Kung sino ang mga Pilipino noon.

Sa aking pagkakaalam, ang mga Pilipino noon ay masisipag. Mano mano ang pagtatrabaho. Pero ngayong nauso ang teknolohiya, kulang na lamang ay mga kompyuter ang magtrabaho. Totoo ngang napabilis at napagaan ng teknolohiya ang ating mga trabaho ngunit, tinuruan rin nito tayong maging tamad. Tinuruang umasa sa teknolohiya. Halimbawa na lang nito ang paggigiling ng bigas noon. Dati ay mano-mano ngunit ngayon, hayun teknolohiya na naman. Dahil rin sa teknolohiya, hindi na tayo marunong maghintay. Gusto natin ngayon,lahat ay mabilis yun tipong ora mismo.

Noon,ang mga Pilipino ay maginoo ngayon, karamihan ay hindi na. Dati rati, pinupuntahan pa sa bahay ng kanyang iniirog at doon ay liligawan pati ang mga magulang nagyon naman, sa text na lamang. Isa pang halimbawa ay mga pampasaherong sasakyan. Ang mga babae ngayon, kasingtibay na ng mga lalaki. Paano ba naman, kahit na nakatayo ang babae halimbawa sa bus ay hahayaan na lamang itong mangawit kakatayo. Hindi na sila maginoo gaya dati na papaupuin pa nila at ipagbibitbit pa ng gamit.

Ang Pinoy dati ay mas madasalin. Tuwing lingo, mapa’dalaga, binata at matanda, mataimtim silang nagdarasal sa bahay dasalan. Ngayon naman, minsan ginagawa pang tagpuan ang simbahan. Nakakalimutan na nga ring magdasal minsan.

Likas na matulungin. Hindi ka papabayaan. Tutulungan ka sa abot na makakaya. Ngayon, kahit nakikita kang naghihirap ayos lang basta hindi siya.

Likas na magiliw sa mga bisita. Diyan tayong mga Pinoy kilalang-kilala. Kahit walang pera, gagawa ng paraan para lamang may maihain. Hindi ka itataboy. Kahit utang, ayos lang basta komportable mga bisita nila. Ngayon naman, ang mga kabataan, hindi na tumatanggap o nagyayaya ng bisita.

Kahit walang pera, nakukuha pa ring tumawa. Eh saan ka nga ba makakakita na puro problema na nga, nakakatawa parin ? Pinoy talaga. Ang mga pasanin sa buhay ay idinadaan na lamang sa pagngiti. Kilang kilala sa bagay na iyan ang Pilipino.

Ang mga nabanggit ko pong iyan ay ilan lamang sa mga kaugaliang bihira ng taglayin ng mga Pilipino ngayon. Bagamat nakakalimutan, hindi parin ito mabubura sa isipan. Siguro nga ay nakakalimutan, pero dahil tayo ay puso at isip na Pinoy,naniniwala akong kusa itong babalik sa atin. Kahit ito ay mga kulturang nakalimutan, hindi ito maiaalis satin dahil naging malaki ang parte nito sa ating mga Pilipino.

Kaugaliang Pilipino at Kulturang atin, huwag nating kalimutan sa halip ay pagyamanin at ating balikan. Kaysarap isipin na nagbabago ang Pinoy na hindi nakakalimutan ang nakaraan sa halip gagamitin itong sangkap para mas mapabuti ang ating buhay. Maraming maraming salamat po sa pakikinig. Mabuhay ang Pilipinas. Pinoy tayo !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento