ni Karen F. Fababeir
SASAKYANG PINOY
Pipip...Pipip
Ang tunog na lagi kong naririnig
sa pagpasok sa umaga at hanggang sa pag-uwi mula eskwela
laging punuan, at laging siksikan
dahil sa mga estudyanteng nag-uunahan
Kahit saan ka lumingon ay makakakita
ng sasakyan na pang-masa at nakikiisa
sa mga Pilipinong dukha at maralita
maging sa mga Pilipinong nakaririwasa
Ito ang dyip na pang-Pinoy talaga
May iba't ibang uri at anyo ang sasakyang ito
May maiksi, may mahaba, at ang iba ay sakto
para sa mga magbabarkadang nais umarkila rito
totoong makikita mo lamang ito
sa lupang sinilangan ko
Noon, ang sasakyang ito
halos iisa lamang ang anyo
Simple, at di kalakihan
Sapat lang para sa sangkatauhan
maging ang pamasahe ay tama lang
Ang dyip sa panahon ngayon
ay malaki na ang pinagkaiba
ang dating simpleng sasakyang
ngayon,Makulay, malaki at maingay na
malayo sa nakasanayan ng ating Lolo't Lola.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento