Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 8, 2011

Ganito kita Pinaikot

Ni Leonilyn Palaran

Ganito na sana ang Pilipinas na iyong maaabutan
Sa pagmulat ng iyong mga mata sa Perlas ng silangan
Mga nagkalat Sanggano’t magnanakaw
Sa Quiapo at Cubao,
Wala ka nang makikitang
May trabahong disente at matino ang paraan ng pamumuhay
Ang bawat Pilipino.

Ganito na ang Pilipinas na iyong maabutan
Sa pagsamyo sa ganda ng kalikasan
Kapag umulan, bumabaha agad sa metropolitan
Malawak na polusyon ang bumabalot sa buong kalunsuran
Wala ka nang matatamansang
Puno at halamang tunay, hindi artipisyal
Nakapalibot sa buong kapaligiran

Ganito na ang Pilipinas na iyong maabutan
Sa pag-abot ng rurok ng tagumpay ng isang kabataan
Pinapatay ang pangarap ng kanilang kamusmusan ng bagong Pilipino
Na mga taong ang hilig ay hilahin pababa ang mga progresibo
Wala ka nang matatanaw
Mga pilipinong naghahabi ng sariling pangarap
Nagpapanatili ng kaisipan ng pagiging tunay na makabayan
Ang bawat Pilipino

Ganito ang Pilipinas na iyong maabutan
Sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating sintang Pilipinas
Mga gahaman, monopolyo ang negosyo sa lahat ng lalawigan
Mga mapang-mata, hindi binibigyang pagkakataon na gumanda ang buhay ng iba
Wala ka nang maoobserbahan na
Pinapaunlad ang sarili, gayundin ang pamumuhay ng kababayan
Umuusbong ang bagong ideya at kaisipan
Sa bansang pagkakaisa ang pangangailangan


Ganito na ang Pilipinas na iyong maaabutan
Walang maipagmamalaki ang sariling pagkatao,
Walang kwenta ang pagiging Pilipino
Sapagkat wala nang pilipinong nagsasambit na
“Pilipino ako! Pilipinas ang Pinagmulan ko!”
Ganito ang ating pinagsisigawan
Habang tayo mismo’y umuunlad sa sarili nating bayan

Ganito kita pinaikot
Pumasok sa iyong bibig, nginuya at inibig
Hanggang sa ang puso mo, ito’y umabot
Paunti-unti hanggang ika’y masuka at tiyan mo’y kumirot
Kailangang baligtarin ang pagbasa mula sa huli hanggang unang taludtod
Ang tulang ito na aking hinabi sa isip at damdamin
Ganito kita pinaikot
Si Papa ay Si Mama
NI : Hazel Ann Lunas

Ikaw na siyang unang nagpapalit noon ng aking lampin
Unang humele sa akin
Habang wala si Ina
Aking gatas ikaw ang tagatimpla

Ikaw na nag-aayos
Ng buhok pagpasok ko
Tagasaing na nga,
Tagaluto pa ng baon ko
NagPAPAkain pag alam na gutom ako

Ikaw na tagalinis ng bahay
Kuskos, kaskas, walang tigil ka
Pati tambak na labahin di iniinda
Walang kapaguran ka
Kay pati pagpaplantsa ginagawa

Ikaw na matiyaga magturo sa takda
Sumusuporta sa aktibidad
Na gusto ko palaging ginagawa
Nagpapasaya pag nasa kalungkutan
Nagpapayo para tamang landas ang paroroonan

Ikaw na nagpapatulog, ikaw na nagpapaaral
Ikaw na nagpapasigla
Ikaw na nagpatunay na
Kahit wala si Inaay Masaya
Oo papa, ikaw ay si mama


Natatanging Pilipino
Ni: Regine C. Catolico

Aking ipinagmamalaki an gating sariling lahi,
Kulay kayumanggi at ang ilong ay natatangi.
Oh sintang baying aking maituturing,
Yaman ng kultura na dapat ipagbunyi.

Perlas ng silanganan,Pilipinas ang aking bayan,
Iaalay ang aking buhay para sa nais na kalayaan.
Ligaya ang naramdaman nang laya ay nakamtan,
Ipinagbubunying lahi ,Pilipino ang angkan .

Namumukod tangi ang ganda ng mga Pilipina,
Oh ilaw kantang gamit sa panghaharana.
Nagniningning  sa kahit sinong makakita,
Gandang Pilipina na tunay na kakaiba.

Nararapat lang na magbigay pugay sa ating mga bayani,
Taglay na nasyonalismonng Pilipino ang naghari,
Alay sa bansanng aking ipinagmamalaki,
Tunay akong Pilipino dahil dito aq lumaki.

Ako’y tatayo at aking sasambitin,

Natatangi ako kahit kanino’y aking sasabihin,
Ganda ng kultura aking sisipiin,
Isusulong ko ang diwang Pilipino na dapat buhayin.

ITO ANG PAMILYA KO

ni Karen F. Fababeir


Masaya, maharot, at maingay
ganyan ko mailalarawan ang pamilya ko
Masaya pag magkakasama
Maharot pag nagkakatuwaan
at Maingay pag nasobrahan


Si Tatay,
Mabait , makulit pero malambing
"The Best Carpenter" para samin
magaling magplano ng buhay at ng bahay
nag-iisang asawa at ama ng aming buhay


Si Nanay.
ang nag-alaga at nagpalit ng lampin namin
ang "Cook" ng pamilya namin
siya at nagpapakulay at nagpapasarap ng bawat pagkain
Ang nagpapataba sa kuya at tatay namin


Si Ate,
ang pinakamaliit yata sa pamilya namin
wala siyang katulad para sakin
"TheBest Sister and Adviser" para sakin
responsable,mapagmahal, at maalalahanin


Si Kuya,
mataba, matakaw, at "Talented"
Magaling kumanta ,sumayaw at magpatawa
Siya rin ang nakamana ng galing sa pagluluto ni Ina
di maipagkakailang Siya ang pinakamalusog sa pamilya


at Ako,
ang bunso ng pamilya
makulit, maharot at maliit
nagmana sa tatay kong singkit
kahit wala namang lahing Intsik


Ito ang pamilya ko
tulad mo, Mahal ko ang pamilya ko
kaya't iniingatan ko
at pinapahalagahan ko
ang bawat miyembro nito


Ating tandaan,
Ang pamilya ay mahalaga
pangalawa sa Diyos na may lalang
Kaya't ingatan natin ito
at mahalin ang bumubuo rito.
ni Karen F. Fababeir


SASAKYANG PINOY


Pipip...Pipip
Ang tunog na lagi kong naririnig
sa pagpasok sa umaga at hanggang sa pag-uwi mula eskwela
laging punuan, at laging siksikan
dahil sa mga estudyanteng nag-uunahan


Kahit saan ka lumingon ay makakakita
ng sasakyan na pang-masa at nakikiisa
sa mga Pilipinong dukha at maralita
maging sa mga Pilipinong nakaririwasa
Ito ang dyip na pang-Pinoy talaga


May iba't ibang uri at anyo ang sasakyang ito
May maiksi, may mahaba, at ang iba ay sakto
para sa mga magbabarkadang nais umarkila rito
totoong makikita mo lamang ito
sa lupang sinilangan ko


Noon, ang sasakyang ito
halos iisa lamang ang anyo
Simple, at di kalakihan
Sapat lang para sa sangkatauhan
maging ang pamasahe ay tama lang


Ang dyip sa panahon ngayon
ay malaki na ang pinagkaiba
ang dating simpleng sasakyang
ngayon,Makulay, malaki at maingay na
malayo sa nakasanayan ng ating Lolo't Lola.

Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Totoo na ba ito?

J. A. Luis


Magaling kumanta,

mahilig magpinta,

magandang magsulat,

isang pinagpala

at mapagpala sa iba.


Isa siyang kaibigan

Na palaging nariyan

Handa kang tulungan

Sa oras na kailangan

At hindi ka iiwan.


Salamat sa iyo,

kapag ako’y malungkot,

ika’y nasa tabi ko.

Kapag ako’y natatakot,

ika’y nagpapalakas ng loob ko.


Ano itong nadarama?

Sa bawat sandali

ika’y kasama…

Mga ngiti sa labi’y

hindi mawala.


Kapag ika’y kausap,

ako’y kinakabahan.

Tila nasa alapaap…

kapag iyong tinititigan,

at panay ang sulyap.


Tila ka isang gamot.

Kapag nariyan…

Ako’y nakakalimot,

Walang pakialam

At walang takot.


Hindi ko alam

Kung kalian,

Paano at saan

Ko ito unang nadama…

Nangyari nalang basta.


Maraming salamat

At iyong pinadama…

Ang aking hinahangad

Mula sa iyo sinta.

Wagas na pag-ibig at tapat.

Kulay Kayumanggi

Ni: Judy A. Belleza

Kayumanggi ang kulay ko
Kulay na bigay ng bayang sinilangan ko
Kulay ng lahing pinanggalingan ko
Kulay ng ating mga katutubo
Kulay ng lahing Pilipino


Hindi puti...
Na nais ko...
Hindi maputla...
Na ginagaya ko...
Kayumanggi ang kulay ko.


Kayumanggi ang kulay ko
Kulay ng mga taong bilad sa ilalim ng tirik na araw
Kulay ng mga taong banat ang buto
Kulay ng mga taong salat sa yaman
Kulay ng bansang mahirap.


Ang kulay ng mga masisipag...
Upang may maihain sa hapag.
Ang kulay ng inaalipin at nagpapaalipin...
Upang may maisagot sa gastusin,
Kulay kayumanggi, ito ang kulay ko.


Ang kulay na kinaiinggitan ng lahing kanluranin,
Ang kulay na ating ipinagmamalaki,
Ang kulay na aahon kay Juan Dela Cruz at sa lahing Pilipino,
Ang kulay ng mga masisipag...
Kulay kayumanggi.

Pagkakakilanlan ni Juan

 Ni Princess Joy C. Ragsac


Kung sa Pilipinas ay pupunta,
Matutuwa sa iyong makikita,
Pagmamahal ay madarama
Sa mga Pilipinong makakasama
Pagkat kaugalian na, pagistima sa bisita.

Kaugalian rin ang pagiging matulungin
Kusang loob, di mo man sabihin.
Paghihirap ay kayang tiisin,
Masipag, masinop sa kanilang gawain
Makamit lang ang anumang naisin.

Pagmamano sa nakatatanda
Di na rin mawawala.
Pagsambit ng po at opo nakasanayan na,
Gayundin ang paggamiti ng ate’t kuya
Na syang  paraan upang paggalang ay ipakita.

Pagbibigkis ng pamilya talagang kay higpit,
Sama-samang haharapin problemang sasapit.
Anumang pagsubok ay kakayanin,
Lakas-loob  na sasalubungin,
Pagkat alam na Diyos ay nais lang silang subukin.

Juan dela Cruz ang aking ngalan
Isinaad ko’y aking katangian.
Ang tulang ito’y sa kapwa ko nakalaan
Upang malaman kanilang pagkakakilanlan
Sa bansang ito na kanilang kinalakihan.

Pinoy sa Buwan ng Ber

  ni Princess Joy C. Ragsac

Sa pagsapit ng ber tiyak ika’y matutuwa
Mga disenyo sa paligid iyo ng makikita
Nagbebenta ng dekorasyon, nakahanay na,
Kung san masasaksihan diskarte ng tindero’t tindera
Na abala sa pagkumbinsing bumili ang madla.

Mga Christmas tree na iba’t iba ang laki
Tila may parada sa sobrang dami,
Di mapipigilang Pilipino’y bumili
Sapagkat sa bagay na ito hatid ay ngiti
Na mamumutawi sa ating mga labi.

Mga awiting pampasko iyo na ring maririnig.
Di mapipigilan ang puso mong umantig,
Masasariwa sa isip mga batang humihimig
Na  sasabayan ng maganda mong tinig,
Habang umiihip ang hanging malamig.

Pinoy  ka ngang  talaga,
Kung ber pa lang pinaghahandaan na
Paskong sasapit sa tuwi-tuwina.
Nagsisimula na ring mag-ipon ng pera
Upang may ipanghanda sa noche buena.
Pasko sa Pinas talaga namang kay saya
Pagod at sakripisyo di alintana.
Pagkapanganak kay Kristo ginugunita
Di lamang sa araw na itinakda
Kundi sa simula pa lang ng ber na talaga namang kay haba.


Ligawan Noon!

J. A. Luis


Si Mariang kinagigiliwan,

Hinahangaan ng madla.

Ginto kung pakaingatan,

Tila tropeyong nais makuha,

Ng mga nabighaning kalalakihan.


Dahil si Juan,

Di pahuhuli

Kaya sa ligawan…

Pakulo’y nakawiwili,

talento’y hinahangaan.


Noon,

Manok di pa tumitilaok,

Si Juan ay nasa bakod.

Hinihintay ang pagbangon,

Ni Mariang iniirog.


Makita lamang…

Si Mariang inaabangan,

Ay tuwang-tuwa na si Juan.

Dahil kahit sandali…

Si Maria’y nakitang nakangiti.


Para kay Maria, Si Juan ay…

Nagsasalok ng tubig,

Nagsisibak ng kahoy,

Nag-aararo sa bukid,

Naghahanap ng bungang-kahoy.


Gabing pinahihintay…

Doon ipinakita,

Ni Juan kay Maria,

Talento sa paghaharana

Na may kasama pang gitara.


Ang oo’y narinig…

Kay Mariang mabait,

Ni Juang malupit.

Ang wagas na pag-ibig,

Sa wakas ay nakamit.

Martes, Setyembre 27, 2011

Harana, Nasaan Ka Na?

Karla Niña Bautista Mallannao

Hindi ba't kay sarap sa pakiramdam
Na ika'y hinaharana sa iyong tahanan?
Lalo na kung ang taong kumakanta
Ay ang taong iyo ring minamahal
Napakasarap pakinggan at magaan sa pakiramdam.

Ito ay nakaugalian na nating mga Pilipino
Ang panghaharana ng mga binatang may sinisinta
Kumakanta at naggigitara ang binata
Habang nakadungaw sa bintana ang dalaga
Ang eksena ay napakaganda.

Ngunit sa panahon ngayon
Ang panghaharana ay nawawala na
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya
Gamit sa panliligaw ay "Computer" at "CP" na
Nawala na ang kaugaliang tatak Pinoy talaga.

Para sa akin, harana ay mahalaga
Dahil dito napapakitang tunay talaga
Ang pagmamahal ng lalaki sa kanyang sinisinta
Ang paggamit ng "Hightech" ay di uubra
Para mapatunayang mahal ka talaga.

Nawa'y ang harana ay muling makita
Sa bawat paligid nitong ating bansa
At maibalik sa ating mga ala-ala
Na ito ay tatak Pilipino talaga
Kaya dapat paunlarin pa!

Pinoy, Ipagmalaki Mo To!

Karla Niña Bautista Mallannao

Isa ang Pinoy sa mga magigiting
Dahil sa pakikipaglaban sa mga dayuhan
Noong unang panahon ay pinatunayan
Na ang mga Pinoy ay may nasyonalismo
At tunay na minamahal ang bansang Sinilangan.

Hindi lang nasyonalismo meron ang mga Pilipino
Meron din namang mga pagkakakilanlan
Na taniging sa Pinas mo lang makikita
Tulad ng paggamit ng Jeep na sa Pinas mo lang mararanasan
At ang panghaharana sa sinaunang panahon hanggang ngayon.

Meron ding ugali ang mga Pilipino
Na kahit may problema man o wala
Ay hinding-hindi mawawala sa kanila
Ito ay ang pagiging masayahin nila
Na laging bitbit saan man magpunta.

Nariyan pa ang paggamit ng tabo ng Pinoy
Na isa ring pinagmamalaki nating mga Pilipino
Pati narin ang pagsasabi ng "Pst" at "Hoy"
Pantawag o pamalit sa pangalan ng isang tao
Hindi lang yan, marami pang iba.

Kaya naman lahat ng ito ay dapat ipagmalaki mo
Lalo na kung ikaw ay Pilipino
Ipagmalaki mo na kahit tayo'y mga Indiyo
Ay mayroon naman tayong mga prinsipyo
Na kakaiba at tanging Pilipino lang ang mayroon!