Karla Niña Bautista Mallannao
Isa ang Pinoy sa mga magigiting
Dahil sa pakikipaglaban sa mga dayuhan
Noong unang panahon ay pinatunayan
Na ang mga Pinoy ay may nasyonalismo
At tunay na minamahal ang bansang Sinilangan.
Hindi lang nasyonalismo meron ang mga Pilipino
Meron din namang mga pagkakakilanlan
Na taniging sa Pinas mo lang makikita
Tulad ng paggamit ng Jeep na sa Pinas mo lang mararanasan
At ang panghaharana sa sinaunang panahon hanggang ngayon.
Meron ding ugali ang mga Pilipino
Na kahit may problema man o wala
Ay hinding-hindi mawawala sa kanila
Ito ay ang pagiging masayahin nila
Na laging bitbit saan man magpunta.
Nariyan pa ang paggamit ng tabo ng Pinoy
Na isa ring pinagmamalaki nating mga Pilipino
Pati narin ang pagsasabi ng "Pst" at "Hoy"
Pantawag o pamalit sa pangalan ng isang tao
Hindi lang yan, marami pang iba.
Kaya naman lahat ng ito ay dapat ipagmalaki mo
Lalo na kung ikaw ay Pilipino
Ipagmalaki mo na kahit tayo'y mga Indiyo
Ay mayroon naman tayong mga prinsipyo
Na kakaiba at tanging Pilipino lang ang mayroon!
AYOS ! isa itong modernong tula .. pero para sakin pagdating sa tula mas mabisa parin ang nakaugaliang mga tula .. ung my tugma at haba :)) .. sa kabuoan maganda nmn ang iyong tula ! .. ipagpatuloy ! :)
TumugonBurahinAng tulang ito ay isa sa nakapagbigay sa akin ng dahilan upang ipagmalaki ko ang lahing aking pinagmulan. Hindi man tayo matatangkad o di naman kaya'y matatangos ang ilong, hindi ito dahilan upang tayo'y mahiya.Sama-sama nating itaguyod ang bandila ni Juan! :))
TumugonBurahin