Ni: Regine Catolico
Kilala ang mga Pilipino sa mga pagkaing kakaiba na tanging sa pilipinas lang matatagpuan at matitikman . halimbawa sa mga ito ang champorado. Ang champorado ay isang pagkain na gawa sa malagkit na nilagyan ng tsokolate at pulang asukal na nagsisilbing pampalasa. Ang pagkaing ito ay masasabi nating isa sa mga pagkakakilanlan ng ating kultura.halos ata lahat ng lugar sa pilipinas, kilala at paborito ang champorado lalu na sa mga bata. Kinikilala ang pagkaing ito bilang isa sa mga paboritong agahan ng mga Pilipino. Hindi naman pahuhuli ang mga pagkaing bida pagdating ng hapon. Nariyan ang lugaw , ginataang mais , munggo o halo halo na sariling atin. Ang lugaw ay tinuturing nating bilang isa sa mura at masarap na pantawid gutom sa kumukulong kalamnan. Ito ay gawa sa kanin na minsan ay hinahaluan ng malagkit at nilalagyan ng ilang pampalasa. Madalas tayong nalilito sa kung ano ang pinagkaiba ng lugaw,goto at aroz caldo. Paano nga ba natin malalaman kung lugaw,goto o aroz caldo na an gating kinakain?
Lugaw ang tawag kung ito ay simpleng gawa sa kanin na may malagkit na nilalagyan lamang ng mga pampalasa. Goto naman ang tawag kung nilagyan na ito ng mga hibla ng karne ng baboy o baka. Masasabi mong ito ay aroz caldo kapag karne na ng manok ang nakahalo. Tunay ngang kakaiba ang mga pagkain na sariling atin na sumasalim sa kultura na dpat ipagmalaki sa iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento