Pwedeng gamit na tumutugon sa isang gawaing pang-ispiker
Mapalad ang mga taong nakiisa sa naganap na “World Youth Day 2011 Overnight Vigil from
Sa naganap na Vigil dito ko tuluyang naintindihan na tunay na pinagpala ang bansang Pilipinas. Ang mga dahilan ay ang pagiging mayaman ng mga Pilipino sa pananampalataya at ang mahigpit na pagkakabuklod ng pamilya.
Dito, nabuksan at lumawak pa lalo ang aking kaisipan sa usapin ng pamilya. Kung dati ay matatawag ng isang pamilya para sa akin ang may nanay o hindi kaya ay tatay lamang na bumubuhay sa kaniyang mga anak ngayon ay hindi na.
Ang pamilya ay binubuo ng ina, ama at kanilang mga anak.
Mga taong masayang nagsasama sa kabila ng mga pagsubok na ikinahaharap sa buhay. Mag-asawang may tiwala sa isa’t isa at nagmamahalan. Pamilyang binuo ng panghabambuhay.
Upang mapanatili ang pundasyon ng isang pamilya ay kinakailangan din itong pansinin at pakialaman ng pamahalaan. Pagbibigay-pansin at pakikialam na magdadala sa kanila sa magandang pagsasama.
Ang pamahalaan ay may mataas na respeto sa kasal. Ang kasal ay isang sagrado na pangangako ng dalawang nagmamahalan na magsasama ng panghabambuhay sa harap ng Maykapal. Kaya naman, sinusulong ng pamahalaan ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng kasal sa mga barangay sa mga mag-asawang nagnanais na magkamit nito. Idagdag pa ang mga pagkakasal na nagaganap sa mga kulungan na marami talaga ang sumusuporta. Mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na samahan ng mag-asawa sa pagbuo ng isang pamilya.
Ang pamahalaan ay nangangalaga sa mahigpit na pagkakabuklod ng pamilyang Pinoy. Dahil dito, ay hindi pa din at walang balak na ipatupad ng pamahalaan ang “Divorce Bill” sa ating bansa hanggang sa kasalukuyan. Matimbang pa din ang pagsasama ng pamilya kaysa sa mga inirereklamong kaso ng pambubugbog sa loob nito. Naniniwala kasi ang pamahalaan na hindi solusyon ang paghihiwalay ng mag-asawa kundi pagpaparusa lamang sa nagkasala kung mapatutunayan at hindi sa buong pamilya. Kaya kahit marami ng bansa ang may Divorce ay hindi pa din ito tinutularan ng ating pamahalaan kundi nananatili na lamang sa kinagisnang annulment at legal separation na talaga namang malayo sa Divorce.
Sa kabuuan , ang pamahalaan ay may malaking pagpapahalaga sa pamilyang Pinoy. Hindi nalimutan ng pamahalaan ang pagbibigay ng puwang tungkol sa pamilya sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Nakasaad ito sa artikulo dalawa, seksyon labindalawa na ang estado ay kumikilala sa kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyon ng lipunan. Dahil mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na pamilya sa pagkamit ng matatag na lipunan.
Hindi madaling kunin ang paniniwala ng bawat pamilyang Pilipino na sila ay nirerespeto, pinangangalagaan at pinahahalagahan ng pamahalaan.
Pakatandaan lamang na walang taong tumutulong dahil sila ay sadyang mabait lamang kundi nagagawa nilang tumulong sa iba dahil sa interes na nakikita nila.
Pinahahalagahan ng pamahalaan ang lahat ng pamilyang Pinoy dahil ito ang bumubuo at kumikilos sa bansa.
Kung mahina ang pundasyon ng pamilya magiging mahina silang mamamayan kaya’t hindi malayong maging mahina din ang kanilang pamayanan. Kung marami ang magiging mahinang pamayanan siguradong magiging mahina din ang ating bansa.
Upang hindi ito maganap, kailangan nating maniwala at sumuporta sa mga programang inihahain sa atin ng pamahalaan lalo na kung alam naman natin na ito ay makatutulong sa ating pamilya. Sa ganito ay maiiwasan pa natin ang bumatikos ng bumatikos dahil naging kaisa na tayo ng pamahalaan sa pamamalakad at pagpapaunlad ng sarili nating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento