Huwebes, Setyembre 29, 2011

INDIO

Ni Leonilyn C. Palaran

Indio. Ito ang bansag ng mga kastila sa mga Pilipino. Sa kabila ng katotohanang nadatnan na nila na may sistema na ng pagbasa at pagsulat ang mga ito, hindi na nila tinantanan ang pagturing na tonto o tanga ang lahi ng mga mamamayan sa perlas ng silangan.


Ito lamang ang isang patunay ng pag-iral ng kaisipang etnosentrismo o pakiramdam na higit na mataas ang uri ng kanilang lahi higit pa sa kanilang kapwa tao.Hangga sa kasalukuyan , ito ay problema pa rin sa ating lipunan kahit pa wala na ang mga mananakop na dayuhan.Pagpapaunlad lamang ng sibilisasyon ang inihandog sa atin ng mga espanyol at hindi ang paghahasa sa kagalingan ng kasanayan at talino ng mga Pilipino kaya’t natin silang kuwestyunin na sino sila upang hamakin ang ating kakayahang pangakademiko at kapasidad ng ating utak?

Walang taong Bobo, sapagkat pantay-pantay tayong tinitignan ng Diyos mula sa langit. Iyan ang palaging naririnig ko sa aking ina sa tuwing nang-aapi ako noong ako ay bata pa. Hindi ko alam kung anung gatas ako ipinaglihi ng aking ina subalit ang sabi ng mga kapit bahay, sa aming magkakaptid ay ako ang pinakamagaling mang-alaska. Masama daw ang maging matapobre at maging mapang-api kaya naman dinisiplina ko na ang aking sarili sa murang edad pa lamang. Sabi kasi ni mommy, di raw ako pwedeng isali sa Miss Universe kung masama ang aking ugali, hindi daw kasi magandang tignan sa babae o kahit ano pa mang kasarian ang ugaling mapang-api. Pangit daw ang karakter na iyon kaya kahit gigil na gigil na ako sa kapit bahay naming baklang may ngusong pusit ay pinigil ko ang nagbabagang damdamin sa aking puso.

Subalit habang lumalawak ang aking mundong ginagalawan, lumalago ang aking kaisipan  ay napagtanto ko na may positibong epekto pala ang panghahamak ng tao. Sapagkat habang inaapi mo ang kakayahan ng isang tao ay natututo itong lumaban o di kaya’y higitan ang kagalingan sa larangang kanyang pinasukan. Ang panghahamak ang naging susi upang buksan ng mga ninuno nating Pilipino ang kanilang kaisipan na tayo ang higit na may karapatan sa yaman ng lupain na inaangkin lamang ng mga dayuhan.
 Ayaw kong sabihin na tuluyan ko nang natanggal sa aking sistema ang panghahamak ng kapwa dahil ito ay pagpapahayag ng aking pagpapakumbaba. Sapagkat ang pagpapakalat na ika’y mapagkumbaba ay pagmamayabang nang hindi mo nalalaman.

Sa malamang ay nasa isip ng mga mambabasa na ang aking paksa ay lumiliko na sa diskriminasyon ng lahi. Hindi po. Nais ko lamang po na suwetuhin ang bakekang na kaisipan ng ilang Pilipino na kung ipinanganak silang Bobo, mabubuhay silang Bobo, at mamamatay na ang tanging iniwan sa mundo ay ang mga resulta ng kanilang kabobohan habang sila ay nabubuhay pa.Na baguhin ang kaisipan ng buong mundo sa atin lalo pa sa larangan ng akademiko . Nais ko lamang pong ituwid ang tila nalihis na kaisipan ng ilang Pilipino at ng ilang mamamayan sa buong mundo ukol sa kakayahan at talino ng mga Pilipino. Na hindi mapupurol ang utak ng mga Pilipino at hindi kayang harangin ng balikong sistema  ng edukasyon sa ating pamahalaan ang kahanga-hangang kakayahan ng mga Pilipino.
Isa sa mga patunay nito ay ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ayon sa kanyang talambuhay makailang beses na ang paglahok niya sa timpalak sa paggawa ng sanaysay sa Unibersidad ng Sto.Tomas at hindi maikaila ang kanyang tagumpay sa mga ito. Ngunit dahil sa takot ng mga kastila na mapantayan ng isang Pilipino ang "talino ng kanilang angkan" ay naging matinik nyang kritiko ang mga mananakop na dayuhan .
Sa pamantasan ,nakakaasar ang papuri ng isang kamag-aral na  hindi ko matukoy kung papuri nga ba o pangungutya na  “ Ikaw na ang matalino” sapagkat hindi po ako matalino, hindi ko rin naman sinasabing bobo ako. Sapat lang. Normal lang ang kapasidad ng ulo ko tulad ng ibang kabataang idealistiko. Sa kabilang banda ng aking tainga ay bumubulong ang isang kaklase na “ kung hindi ka matalino, ano pa ako hindi ba? Batang dapat itapon sa Ilog pasig at ipakain sa mga mutated na Janitor fish?”

Bakit nga ba ganoon ang kanilang paniniwala? Na bobo sila?

Habang buhay na lang ba silang pupuri at mamimintas sa tuwing may may taong nagapahayag ng kanilang paniniwala at kaalaman? Kung minsan, naiisip ko na ganitong mga klaseng tao ang masarap hamakin, tusukin nang paulit ulit ang  mata ng karayom at baklasin nang isa-isa ang mga ngipin.  Hindi ba nila nakikita ang lawak ng mundong ating ginagalawan? Marami pang bagay ang dapt matuklasan, ano na lamang ang kanilang makikita kung pikit ang kanilang mata sa patuloy na pagsasabing bobo sila? Paano papasok ang mga pagkakataon sa buhay ung inaayawan nila dahil sa balikong pagiisip na Indio ang lahing pinagmulan nila?Ano ang silbi ng bangis ng kanilang ngipin kung hindi nila gagamitin ang bangis ng kanilang pagkatao upang matuklasan ang mga bagay na ito? Nawalan na ba sila ng pagasang mapansin  ang kanilang kakayahan?

Hindi Pilipino ang taong walang pagsusumikap at paniniwalang walang pag-asang matupad ang kanyang pangarap sa buhay. Sapagkat ang taong walang pag-asa sa buhay ay nagpapakamatay,nakalibing na sa ilalim ng lupa ,nabubulok kasama ang mga uod. 

Hindi sila mga Pilipino ,kundi mga Indio. Pinanatili ang paniniwalang sila ay mangmang at pinapatunayan sa mga mananakop na kastila na tama ang kanilang pagiisip na walang pinagbago ang mga Pilipino kahit pa wala na tayo sa ilalim ng kanlang imperyo.Tayo ay Pilipino, Hindi Indio, Hindi Indio ang mga Pilipino. Sa tingin ko, ang pagiging Indio ay nakadepende sa kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan, pagsasara ng mata sa realidad  at kabagalan sa pagsusumikap sa buhay. Sapagkat ang isang Pilipino ay realistiko, mapagpunyagi at batid ang kanyang kahinaan at kalakasan. Hindi lamang yaong magbabantay lamang sa pagsusumikap ng iba at pag nagtagumpay na ay hihilahin pababa sa dati nitong kinasasadlakan.
Sapagkat ang isang Indio ay hindi alam ang kanyang karapatan bilang tao,naniniwalang mang mang at walang kakayahan dulot ng diktang etnosentrismo. Walang matibay na pundasyon ng pagkatao.Sapagakat ag isang taong mayroong matibay na pagkatao ay hindi nagpapaapekto sa mga taong hindi nakakatulong sa kanyang pag unlad.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento