Ni Karla Niña Bautista Mallannao
Ang mga Pilipino ay isa sa mga kakaibang nilalang dito sa mundo. Dahil ito sa maraming pagkakakilanlan nila. Eh ikaw bilang isang mamamayan ng Pilipinas, paano mo nga ba masasabi na ikaw ay isang tunay at may tatak na Pilipino?
Pilipino ka kung ikaw ay kumakain ng balot. Alam naman nating lahat na tanging sa Pilipinas lamang ang may balot sa buong mundo. May mga pagkakataon pa nga na ang mga dayuhan na pumupunta dito ay hindi nakaliligtas na matikman ang isa sa mga espesyal at tatak na pagkain ng mga Pilipino, ang balot. Ngunit hindi naman sila nagkamali na ipatikim ito sa kanila dahil kahit sa una ay nandiri sila ay nasarapan pa rin naman sila dito.
Pilipino ka kung ikaw ay masayahin. Isa ito sa mga mga positibong kaugalian ng mga Pilipino. Kahit na sa dami ng problemang kinakaharap n gating bansa ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa. Bagkus ay dinaraan natin ito sa pag-ngiti na lamang. Dahil alam natin na mayroong Diyos na nariyan upang gabayan tayo sa anumang pagsubok na dumaan sa atin.
Pilipino ka kung ikaw ay sumasakay sa Jeep. Tanging sa PIlipinas lang ang may sasakyan na Jeep. Taxi, Bus at iba pang mga sasakyang pang-transportasyon ay sa ibang bansa lamang makikita, ngunit meron din naman nito sa Pilipinas. Ngunit tanging ang Jeep lang ay tatak Pinoy talaga.
Pilipino ka kung ikaw ay marunong at nakaranas na ng Harana. Ang Harana ay isang tradisyon o kaugalian sa mga Pilipino. Ito ay ang panliligaw ng isang lalaki sa isang babae sa pamamagitan ng pagkanta. Ngunit ang kaugalian na ito ay unti-unti ng nawawala sa modernong panahon. Ngunit ako ay umaasa na ito ay hindi lubusang mawala sa ating bansa.
Pilipino ka kung ikaw ay gumagamit ng tabo. Tunay kang Pilipino kapag mayroong tabo sa inyong banyo. Hindi kagaya sa ibang bansa na may mga “Shower” at iba pang high-tech na kagamitan sa banyo.
Pilipino ka kung sa pagpatak ng “Ber Months” ay nagsisimula na kayong maghanda para sa Pasko. Ang Pasko ang pinakamatagal na idinaraos na okasyon sa Pilipinas. Nagsisimula sa Setyembre at natatapos sa buwan ng unang lingo ng Enero sa susunod na taon.
Pilipino ka kung ikaw ay magalang. Bukod tanging mga Pilipino lamang ang nagsasalita ng “po” at “opo”. Isang pagpapakita rin ng pagkamagalang ng mga Pilipino ang pagmamano. Sa Pilipinas ka lang makakakita ng ganyang pagkakakilanlan.
Pilipino ka kung ikaw ay magiliw sa pagtanggap ng mga bisita. Kilalang kilala ang mga Pilipino sa pagiging “Hospitable”. Kapag may mga okasyon ay lumalabas ang ganitong mga kaugalian ng mga Pilipino. May pagkakataon din na pag may mga dayuhang pumupunta dito ay sasabitan nila ng mga bulaklak bilang pagtanggap sa kanila.
At higit sa lahat, Pilipino ka kung ang balat mo ay kayumanggi at ang ilong mo ay pango. Tanging mga Pilipino lang ang may ganyang anyo dito sa buong mundo.
Kaya kung ang mga ito ay nagawa mo at meron ka, isa ka ngang tunay at tatak Pilipino.
mahusay ! pagyamanin pa ang bokabularyo upang maging mas mabisa pa ang mga salitang magagamit. Pansinin din ang tamang paggamit ng mga bantas :) iwasan din ang paguulit-ulit ng mga salita .. kung maaari ay gumamit ng mga kasingkahulugan nito. Bukod dito naiparating mo nmn ang nais mong iparating s mambabasa .. at mahusay mo ding napakita ang mga tatak pilipino :)) .. MABUHAY ! .. nawa magpatuloy pa ang paglago ng ating kaalaman sa paninitikan. (wooooooooh ! antaray ng komento, kala mo kng cnong marunong e no? hahah .. nyc one ganda !! ) ^_^
TumugonBurahintunay na ang mga pinoy ay pinagpalang lubusan..mayroon tayong mga katangian na tayo lang ang nagtataglay..
TumugonBurahinnararapat lang na ang bawat Pilipino,taas noo kahit kanino! :))