Ni Leonilyn Palaran
Abf 2-1
Gusto kong makalimot
sa mga sakit na aking naidulot,
Sa bansang sa aki’y nag-aruga
ngunit maraming beses ko nang ikinahiya,
Sino nga ba ang hindi nagkakasala?
Gusto kong makalimot sa nadaramang kirot,
Kulturang inupos ng mananakop na dayuhan ,
pagkatao ko'y walang matibay na sandigan,
Kalahi'y ipinagdadamot ka sa mabuting kapalaran,
Binulagan ng maling paraan ng pagmamalasakit sa bayan !
Kulturang inupos ng mananakop na dayuhan,
Mga mamamaya'y tinanggalan ng karapatan sa lipi,
kinamkam mga yamang natatangi,
Kultura ng kanilang kolonya, tinitingala ng mga kababayan hangga sa kasalukuyan,
Nais ko ng paglimot sa kinahantungan ng kulturang masalimuot!
Pagkatao ko'y walang matibay na sandigan,
Lahi ko'y walang linaw ang pinagmulan,
Pilipino mismo ang gumagawa ng sariling kasiraan,
Niyayakap ang kaugalian ng ibang pamayanan,
Ikinahihiya ang sariling angkan,
Gusto ko nang kalimutan ang kabuktutan ng aking kababayan!
Kalahi'y ipagdadamot ka sa mabuting kapalaran,
Sa pag-unlad ng ekonomiya sa bayan,
Mga tao'y walang pagkakaisa, batugan!
Sa tuwinang makikita ang pag usad ng buhay ng isang kababayan,
Hinihila pababa, utak ay talangka!
Nais ko ng paglimot sa kaugaliang ito ng kapwa ko Pilipino!
Binulagan ng maling paraan ng pagmamalasakit sa bansa,
Tinaggal ang magagandang katangian at hinawi ang mabubuting kaugalian
Binulok na ng mga kaisipang banyaga ang lahing nakalalamang,
Kaya naman mga mamamayan ay hindi magkandili;
walang taong nais manatili!
Sa nadaramang kirot, gusto kong makalimot.
Sabi ng mga pusong sawi, paglaklak ng alak ay nawawala ang nadarama nilang poot,
Matanggal kaya nito ang kirot sa puso kong naumay na sa bangungot?
Siguro nga’y pagkalimot ang syang dahilan,
Kung bakit nagsimula,pagyurak sa katangian ng bayang sinilangan.
Ang lasa ng alak tulad ng pait na dulot ng mga kasiraan ng sa bayan
Ang pagkalikido ng alak ang gaya ng asidong tumutunaw sa tunay na pagpapahalaga sa pagkakaisa ng mamamayan
Tulad ng iba't ibang flavor ng alak ang pinaghaluhalong sakit ng magkakaibang uri ng panggagapi ng Pilipino sa kapwa Pilipino!
Ang sakit ng pagdaloy ng espiritu nito sa aking lalamunan tulad ng pag-alam sa sariling pagkakakilanlan,
Nawa'y maibsan ng alak kong ito ang pansamantala kong pagkalimot sa nawawala nating pagkatao!
Sa isla na luntian ang pagsibol ng kaunlaran
Ngunit ninanaknak naman ang utak ng mga mamamayan,
Gusto ko nang kalimutan ang bayang aking sinilangan
Subalit ni minsan ba'y itinanong na natin sa bayang ating inaayawan
kung ginusto ba nito na maki-bahagi tayo sa kanyang iniingatang yaman?
Tumagay tayo sa saliw ng tugtugin ng pagkalimot!
Tumagay tayo para sa bansang itinatakwil ng kanyang mamamayan!
Tumagay tayo para sa bansang ikinahihiya ang pinaghirapang magandang kinabukasan
ng kanyang mga bayaning magulang!
Nawa’y mawala na sa Pilipinas ang mga ipokritang Pilipinong
hindi pagka-Pilipino ang Kaisipan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento