Ni: istiiiph PORTASYOW. =)) <3istarrrr
Papasikat pa lang ang araw, maririnig mo na ang tilaok ng manok. Pagtilaok, na hudyat ng pagbangon. Pagbangon para harapin ang bagong araw na kaloob ng Panginoong may Kapal na syang bukal ng lahat. Hindi ka pa man lubusang nakakalabas a iyong kwarto, malalanghap mo na ang masarap na sinangag, malinamnam na itlog at tuyo, samahan pa ng mabangong usok ng mainit na kape na inihanda ng isang mapagarugang ina. Dahil dito, mas magkakaroon ng sigla ang umaga mo. Sa salo-salong umagahan kasama ang iyong pamilya, tiyak na mabubusog ka. At dahil dito, kahit na umagahan lang ang kinain mo, ang pagka-busog mo’y tila abot na hanggang panggabihan mo.
Bago naman ako pumasok sa eskwela, wala mang bagyo, eh uulanin naman ako ng paalaa ng magulang ko. Manalangin ka. Mag-aral mabuti. Kumain sa tamang oras. Magingat sa daan. Tumigin sa kaliwa’t kanan, umiwas sa sasakyan. Napaisip ako sa kanilang huling sinabi. Tumabi sa sasakyan? Hindi ba’t mas delikado kung tatabi ako sa sasakyan? Pero kung sasabihin ko pa ito, at makikipagtalo, mahuhuli lamang ako sa klase, sasabihan pa akong pilosopo. Kaya sa halip na mangatwiran, ngumiti na lang ako at sambit ng malambing na “opo”.
Habang nasa abangan na ako ng dyip, nakita ako ng aming kapit-bahay at may dala itong bayong. Agad syang kumaway kasabay ng tanong na “ Oh! Papasok ka na?” Nakauniporme naman ako. Sukbit ang bag ko. Naka-ID at nagaabang na ng dyip, hindi ba halata na papasok na ko? Alam naman siguro nya. Gusto lang nyang tanungin ako. Bandang huli, halata man o hind, sumagot pa rin ako na “opo. Papasok na ako.” Sabay balik ng tanong kung mamalengke sya dahil sa bayong na dala nya.
Huminto ang dyip sa harap ko kahit na hindi ko ito pinara. Hindi na ito kataka-taka. Malamang nasa abangan ako ng dyip. Hihinto at hihinto sila para magsakay ng naghihintay na pasaherong gaya ko. Wala pa mang limang minuto ang nakalilipas ng makasakay ako sa dyip, ay ipinaabot ng babae ang bayad nya. Isang buong limang piso, at tatlong tig-pipiso. Tinanong ng drayber kung saan sya bababa. “cubao” sagot ng babae.. Kumunot ang noo ng drayber at nagreklamong kulang raw ang bayad nya. Nangatwiran naman agad ang babae na sakto lang daw ang ibinayad nya sapagkat araw-araw daw syang sumasakay ng jeep papuntang cubao. Otso lang daw talaga ang pamasahe mula sa pinagsakayan nya. Hindi naman nagpatalo ang drayber at pinagpilitang kulang talaga ng piso ang bayad nya. Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nila. Dakong huli, napagod rin kapapaliwanag ung babae. Iniabot din nya ang kakulangan “daw” sa pamasahe nya. At sinabi nito na piso lang iyon at hindi na para makipagpatayan pa sya.
Hindi ko namalayan, nasa tapat na pala ko ng eskwelahan. Nakangiti at pailing-iling akong bumaba ng dyip. Nakipagtalo pa ng pagkahaba haba ung babae, ibibigay rin naman pala ang pisong pinagkakaingatan nya.
Napatingin ako sa palad ko. Hawak ko pa rin ang otsong barya. Dun ko lang naalala. Hindi pala ako nakapagbayad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento