ni Jamaica V. Furaque
Ako ay hugis apa
Patusok ang aking gitna
Gawa ako sa rattan
at sa tambo naman kung minsan
... ako ang salakot ni Juan
Ipinantatakip ako sa ulo
Para proteksyunan ang aking amo
Laban sa matinding sikat ng araw
Na kayang sumunog ng balat nino man
... ako ang salakot ni Juan
Maging ang buhos ng ulan
Kaya ko ring labanan
Isuot mo lang ako
pagkabasa ay maiiwasan
... ako ang salakot ni Juan
Kung ikaw naman ay init na init
At 'di na kaya ang pawis na kay lagkit
Narito lang ako sa tabi-tabi
Handang paypayan ka sa bawat sandali
... ako ang salakot ni Juan
Tulad ni Juan
Na kayang kayang gawin kahit na ano
Kayang magtrabaho kahit saan
Kyang makipagkapwa kanino man
...ako ang kanyang salakot, ang salakot ni Juan
MAHUSAY ! maganda at halatang pinagpilian ang mga salitang ginamit .. kitang kita ang pagiging pinoy ..mabisa din ang istilong ginamit :)
TumugonBurahinnakakatuwang isipin na salakot ay may pagkakatulad din pala sa amo nyang si JUAN :)