Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Abf,saludo ako sa taglay mong talento

                                              Ni Hazel Ann C. Lunas
   

       Akala mo sa unang tingin ay walang itinatagong galing,akala mo may sari-sariling mundo ,akala mo’y walang pakialam sa naka paligid dito,pero diyan ka nakakamali dahil pag umarangkada ang ABF 2-1 todo-todo.Maraming beses ng napatunayan ng ABF 2-1 na sila’y may talento.Sa kantahan ,sayawan,pagbigkas ng mga tula ,pagsali sa mga debate,pagsali sa mga talumpatian at marami pang iba.
 
     Tunay na naipamalas ang natatagong galing noong nakaraang SATULAWITAN 2011 .Kagulat gulat na simula sa script,audio visual presentation,pagkabuo ng step sa mga etnikong sayaw ,paghagilap ng mga kanta at tula na nakasalin sa ibang wika at matiyagang paggawa ng mga props at pagtahi ng mga costume ay nairaos ito kahit na sa una’y aakalaing mahirap ito.Kahit na nagkatampuhan at nagkainitan ay hindi iyon naging hadlang upang maging matagumpay ang SATULAWITAN 2011.

   Masasabi kong ang talento ng ABF ay kusang lumalabas pag kinakailangan at naniniwala ako na marami pang talentong nakatago na pwedeng hubugin.Ang mga natatanging talentong ito ang mag-aangat sa kolehiyo at sa kurso.Kaya ABF saludo ako sa natatangi mong talento.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento