Ipinagmamalaki ko, Pilipino ako! ipinanganak at lumaki ako sapilipinas, isa rin ako sa mga naging saksi sa mga pinagdaanang kaginhawaan at kalungkutan ng ating bansang minamahal na kasaysayan na ngayon na atin ng ipamamana sa mga susunod na henerasyong parating. Pilipino ako, ipinagmamalaki ko!
Kilala ang mga pilipino sa pagiging masipag. kayod dito-kayod doon ang tema, yun bang hindi na ata alam ang salitang "pahinga". Walang sinasayang na pagkakataon ang mga pinoy kahit anong trabaho ay pinapasok kumita lamang ng salapi para sa kanilang pamilya, parang si Juan na walang kapaguran.
Isang magandang halimbawa na siguro ng katngiang ito ay ang masisipag nating mga kababayan na nangingibam bayan upang maghanap ng ikabubuhay ng kanilang pamilya, ang mga dakilang OFW Workers. Tinitiis nila ang malayo sa pamilya ng ilang araw, linggo, buwan at taon kumita lamang ng salapi para sa kanilang mga minamahal.
Sadyang ganoon nga lang talaga siguro ang mga Pinoy, mapagsakripisyo at matiisin. Lumaki rin naman kasi tayo sa isang pamilyang buo at matatag na patuloy pang ginagbayan ng ating mga simbahan. Sino nga ba naman ang hindi nakaaalam na isa rin sa katangian ng Pilipino ang pagiging maka-diyos. Punong-puno nga tayo ng iba’t-ibang paniniwala at mga sagradong dasal para sa ating Lumikha, iba-iba man ang ating relihiyon ay hindi maaalis sa atin ang pagiging relihiyoso.
Opo! Relihiyoso nga tayo at magalang pa, o san ka pa? Kung ikukumpara tayo sa kape ay maihahambing tayo sa “5 in 1” at kung sa ulam naman tayo ay pakbet. Muntik ko pang malimutan, isa rin pala ang mga Pilipino sa mga natatanging tao sa mundo na nabiyayaan ng husay pagdating sa pagluluto, mayabang man kung iisipin ngunit mahirap naming magsinungaling.
Maraming katangian ang Pinoy na dapat ipagmalaki, mga katangiang natatangi sa ibang Asyano maging sa iba pang tao sa mundo. Ipinagmamalaki kong ako’y isang Asyano lalo naman ang aking pagiging Pilipino!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento