Sabado, Setyembre 17, 2011

UGALING PINOY

ni: Jean A. Luis

Sa mga guro, mag-aaral, at kapwa ko Pilipino, hayaan niyong makasama kayo.

Kilala ang mga Pilipino dahil sa maraming bagay. Isa na rito ang kanilang kagandahang asal. Kagandahang asal na nagpatayag sa kanila sa buong mundo.

Alam naman natin na gaano man kalaki ang problema ang mga Pilipino nakangiti pa rin. Sabi nga nila, huwag mong problemahin ang problema, hayaan mong ito ang mamroblema sa’yo. Ngitian mo na lamang at bahala na ang Diyos. Ang pagiging malapit sa Diyos ay isa ring dahilan kung bakit kaya nating lampasan ang mga pagsubok. Ang pagmamahal sa kanya ay nagbibigay sa atin ng lakas. Tipong kung minsan kala mo ikaw nalang pero maaalala mo na nadyan ang Diyos sa tabi mo na hindi ka iiwan.

Ang mga Pilipino, mapagmahal sa pamilya. Pamilya na siyang nag-aruga at unang nagmahal sa atin. Kaya nga mahirap para sa atin ang mapahiwalay sa ating pamilya. Tipong kahit may mga asawa’t anak na, nakatira pa rin sa mga magulang. Kahit anong galit man ang mayroon, mabilis na nawawala dahil mahal ang bawat isa. Sila ang unang magtatanggol sa iyo. Maaasahan sa panahon na kailangang-kailangan mo. Kahit gaano man kahirap ang buhay titiisin para sa pamilya.

Likas din sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Binibigyan ng tinapay o barya ang mga namamalimos. Tutulungang tumawid ang mga buntis o matatanda. Pinapatuloy sa bahay kahit na hindi gaanong kakilala. Bumibili sa mga naglalako, mabawasan lang ang mga paninda ng mga ito. Kapag nasa ibang bansa kapwa mo Pilipino ang tutulong sa’yo. Ipapasyal sa sa bago mong napuntahan, patitirahin, pakakainin at marami pang iba.

Isa pa sa kilala ang mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa bisita.pinatutuloy kahit wala kang pasabi. Panapakain nang masasarap. Pinahihiga sa kama ang bisita at ang may-ari ng bahay sa banig. Hindi pinapakilos sa bahay at pinagsisilbihan. Hindi ka hahayaan na walang kasama at pinagagamit ang mga bagay na tinatago lang. dahil sa mainit na pagtanggap sa bisita, natutuwa ang mga dayuhan na pumunta dito sa ating bansa.
Ilan lamang ito sa mga ugaling nagpatanyag sa lahing Pilipino. Mga ugali na nais tularan ng ibang lahi. Mga ugali na ipinamamalas kahit saang dako man ng mundo mapunta. Kaya madaling makilala kung Pilipino ang kasama mo. Ipagmalaki na ika’y Pilipino na may ugaling makikita sa anumang paraan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento