Ni: Karen Fababeir
Alam nyo ba na hinahangaan tayong mga Pilipino sa pamamaraan natin ng panliligaw? Dahil tayong mga Pilipino ay likas na mapagmahal, lahat ay gagawin natin para sa ating mga minamahal. Sino ba namang hindi nakakaalam ng kasabihang ito. “Ang pag-ibig nga naman kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang”.
Totoo nga ito sa ating mga Pilipino, lalo na sa mga manliligaw na Pilipino. Ang sarap talaga magmahal ng isang Pilipino. Alam nyo ba noon o siguro ay may mangilan-ngilan paring gumagawa nito ngayon sa mga probinsya. Ang mga manliligaw na lalaki, bukod sa panghaharana ay marami pang pagsubok na pagdadaanan bago makuha ang matamis na OO ng kanyang irog. Ang mga pagsubok na ito ay kinakailangan niyang mapagtagumpayan bilang patunay ng kanyang pagiging tapat sa minamahal at upang mapanalunan ang puso ng minamahal.
Alam nyo ba na bago pa maging magkasintahan ang dalawang nagmamahalan ay marami munang pinagdadaanang pagsubok ang lalaki. Sa umaga pa lamang , kailangan na niyang ipag-igib ng tubig ng tubig sa poso o kaya ay sa balon ang pamilya ng kanyang sinta. Mula sa malayong balon o poso maka-ilang beses siyang iigib ditto at hindi pa ditto natatapos ang kanyang kalbaryo, pagkatapos mag-igib ay kinakailangan pa niyang magsibak ng kahoy na gagamitin na panluto. Hindi lang yan, marami pa siyang bagay na dapat gawin bilang patunay ng kanyang pagmamahal sa kanyang sinta. At hindi lamang ito isahng araw, sapagkat hangga’t hindi niya napapabilib ang ama ng kanyang sinta ay patuloy niya itong gagawin.
Tunay nga na para sa pag-ibig ay gagawin natin ang lahat. Nawa ay hindi mawala sa atin ang ganitong konsapto. Nawa ay mayroon pa ring mga Pilipino na nagpapatuloy ng ganitong tradisyon. Masakit at nakalulungkot lang isipin na hindi na ito ginagawa ng karamihan sa ating mga kalalakihan sa panahon ngayon. Ngayon, TEXT na ang ginagamit na pamamaraan ng panliligaw at hindi na nagpapakita ng pagpupursigi sa panliligaw. Kapag hindi agad sinagot ay susuko na kaagad. Nawawala na ang pagiging matiyaga at nagiging mainipin na at hindi na marunong maghintay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento