Biyernes, Setyembre 9, 2011

“Magiliw na Pagtanggap”

Ni Lovely Polyn Reondanga Espina



  Isang pinagpalang araw po sa lahat! Magiliw na pagtanggap sa mga bisita! Ayan daw ang pagkakakilala sa ating mga Filipino. Oo nga naman, panahon pa ata ni kopong-kopong ganyan na tayo.
      Kapag may dumadating na kaibigan/kaklase ay agad nating pinapaupo at inaalok ng “juice”, kape, o anumang inumin o pagkain. Kahit nga kakaunti/sakto na lang sa pamilya ang pagakin ay iaalok pa natin ito.kung minsan pa nga’y nanghihiram pa tayo sa kapitbahay o iba pang kaibigan para lang may maihanda.
      Kapag may politikong dayuhan na pupunta sa ating bansa ay paghahandaan sila ng gobyerno. Pasasalubungan pa ng musika/banda, patutuluyin sa “hotel” at pakakainin  ng masasarap kahit  bagsak an gating ekonomiya. Lalo na nga kung “Hollywood star“ang pupunta dito para sa isang “concert” ay talaga namang sinusuportahan at pinipilahan nating mga Pinoy. Minsan pa nga’y magdamag  tayong pumipila  para malapit sa entablado. Nandyan pa ang pagsasabit ng bulaklak sa kanila bilang pagpapakita ng magiliw na pagtanggap.
      Kapag naman kapag-anak ang darating lalo na’t mula sa probinsya ay malayo pa ang araw ng pagdating ay naghahanda na. Ipagluluto at kakaiba sa karaniwan na kinakain. Pinatutulog sa higaan na  bago ang latag maging ang kumot at unan.
      Ika nga ng mga dayuhan na nakarating na dito, “Filipinos are very hospitable”. Isa itong karangalan na maging kilala tayo bilang “hospitable”.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento