Sabado, Oktubre 8, 2011

Wikang Filipino, TATAK PILIPINO

ni: istiiiph PORTASYO




Isang pagbati muna po ng magandang araw sa inyong lahat. Isang prebilehiyo po sa akin ang tumayo sa inyong harapan. Magsalita, at pakinggan.
Batid ko po na ang bawat sasabihin ko sa oras na ito, ay lubusang maiintindihan ninyo. Hindi dahil, masyadong mababaw lamang ang mga sasabihin ko, ngunit, dahil, ang lenggwaheng ginagamit ko ay Filiino, na siyang wika nating lahat. Nabigyan na ba kayo ng pagkakataon na makapagsalita sa harap ng maraming tao? Marahil, bilang pambungad na pananalita, bilang isang tagapagbigay aral sa lahat, o bilang isang magaling na mananalita, na nararapat pakinggan? Natiyak po ba ninyo na sa inyong pagsasalita, ay pinakinggan o higit sa lahat, ay naintindihan kayo ng inyong mga tagapakinig? Kung oo, ay natitiyak ko, Pilipino ang mga nakinig sayo, at Filipino ang wikang ginamit mo.
Hindi ko po sinasabing huwag gamitin ang wikang Ingles. Ngunit ang nangyayari, mas nagiging prayoridad natin ang wikang banyaga. Bakit? Nasubukan nyo na bang making sa isang kapwa Pilipino, na nagbibigay ng pahayag sa purong banyagang wika? Nakinig po ba kayo? Tutok na tutok ba ang mga mata ninyo?. At ang mga salita ay pilit na humuhukay sa bokabularyo ng isipan ninyo kung alam ninyo ang mga salitang binabanggit niya? At sa sobrang pagka-slang ng pagkakabanggit sa mga salita, ay lalo ng hindi ninyo maintindihan? Paano po kayo magrereak sa mga sinabi niyang hindi niyo naman naintindihan? Simple lamang naman po hindi ba? Kapag pumalakpak ang ating mga katabi, na umaakto na para bang naintindihan niya ang lahat ng sinabi ng salita , awtomatikong papalakpak rin tayo, at aakto na naintindihan din natin ang tagapagsalita. Isang malaking panloloko po sa ating mga sarili. At isang pagtataksil sa ating totoong identidad. Bakit kapag nagkakamali tayo sa wikang banyaga, ay para ng isang mortal na pagkakasala? Na tila ba halos masteradong masterado tayo sa kanilang wika? Bakit mas pinahahalagahan natin ang ating mga gramatika sa wikang Ingles? Ngunit pagdating sa ating wika, magkamali man tayo ng paulit ulit, ay hindi natin binibigyang pansin. Ang tanong, ay alam ba nating, kahit mga Pilipino tayo, may mga pagkakamali tayo sa wikang Filipino. At kung minsan pa nga’y halos gumagamit tayo ng mga salitang wala naman sa ating diksyunaryo. Bilang pagbibigay halimbawa, nais kong ibahagi ang aking natutunan sa aking napakinggang tagapagsalita. Alam ko pong narinig na nating lahat ang salitang “talentado”. Kilala ito dahil sa palabas na Talentadong Pinoy. Maganda sana ang layunin ng kanilang programa. Ang maipakilala at maipagmalaki ang talento nating mga pinoy. Ngunit, sa pangalan pa lamang ng kanilang programa, ay may kamalian na. sinubukan nyo na po bang hanapin sa diksyunaryo ang salitang “talentado”? hahanga po ako sa inyo, kapag nakita ninyo.
Bilang pagtatapos, nais ko lamang pong ikintal sa ating isipan. Na ang wikang Filipino, ay identidad nating mga Pilipino. Sariling atin, palawakin natin, at mas unahin po nating tangkilikin. Iyon lamang po at maraming salamat sa inyong mga kapwa ko mga Pilipino na nakinig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento