Sabado, Oktubre 8, 2011

Tunay na Lakas ng Kababaihan

ni Rachelle A. Rangasajo


Hayaan niyo po akong magsalita sa harap ninyo hindi dahil sa nakatataas ako sa inyo. Hindi dahil sa iginagalang niyo ako kundi dahil sa isa akong tulad niyo, isang babae; isang Pilipina.

Pasisimulan ko ang aking pananalita sa isang kasabihang “Sa tagumpay ng bawat kalalakihan ay mayroong babae sa likod nito”. Marahil nakasasawang pakinggan dahil sa paulit-ulit na lang ngunit sa pamamagitan nito ay simpleng nailalarawan amg tunay na lakas ng kababaihan lalo na kapag Pilipina.

Mayroon po akong nabasang akda na nasa wikang ingles, isinulat po ito ni Carmen Guerrero-Nakpil at pinamagatan niya po itong The Filipino Women. Sa akdang ito, una niyang inilarawan ang pisikal na anyo ng kababaihang Pilipino. Sinabi niya na sa tuwing magpupunta ang isang Pilipina sa ibang bansa ay lagi na lamang napagkakamalang isang Chinese, Siamese, Indones, Indian, isang Mesikano o di kaya naman ay isang taga- South America. Hindi ito nakapagtataka dahil sa napakaraming dayuhan na ang sinubukang manirahan dito sa atin.

Sa akda ring ito niya inilarawan ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan sa pagdaaan ng panahon. Sinimulan niya ito sa panahon kung saan hindi pa tayo nasasakop ng mga Kastla. Ipinakikita sa akdang ito ang isang Pilipina na tila isang babasaging kristal kung pangalagaan. Pantay ang tingin sa mga lalaki at babae di dahil sa kapangyarihan kundi sa respeong ibinibigay sa kanila. Di man binigyan ng pagkakataon na mamuno ngunit katulong ng asawa dahil maging ito man ay isang timawa o datu hinihingi muna ang opinion ng asawang babae bago pa man gumawa ng aksyon. Noon pa man ay mayroon ng mga miyembro ng TAKUSA (isang organisayon ng mga lalaking takot sa asawa) nakikita ito sa panahon na nagkaroon pag-aaway ang pamilya ng babae at lalaki dahil sa sobrang pagmamahal ay pinapanigan ng lalaki ang pamilya ng asawa.

Isang nakalulungkot na pangyayari ang pagdating ng mga Espanyol sa bansa dahil ang dating kakarampot na karapatan ng mga kababaihan ay lalo pang kumipot. Isinama nila sa agenda nila ang pagbabagong bihis ng mag babae sa Pilipinas kung dati-rati ay tinitingala ngayon ay nakayukong pinagsisilbihan ang mga asawa. Naging maliit ang mundong kanilang ginagalawan. Ang mga Pinay ang naging alipin na lamang ng tahanan. Ang kanilang boses ay unti-unting humina hanggang sa mawala na lang nang tuluyan.

Ang mga Amerikano ang nagbigay ng tunay na ideya ng kalayaan at ito ang higit na pinasalamatan ng mga kaabaihan. Dahil ang dating talentong itinatago sa kusina ay muling nailabas at nagamit. Nakuhang ilabas ang saloobin at makawala sa rehas ng pang-aalipi at higit sa lahat ay muling naging parte ng lipunang kinabibilangan. Naging kabahagi ng pagtulong sa kapwa, nagkaroon ng kalayaang bumoto at sa pamamagitan nito naipakita ang tunay na galling ng mga Pilipina.

Sa pagdating ng mga Hapones mas nakita ang tapang ng Pilipina. Hindi lingid sa ating kaalaman ang paggamit sa kanila bilang kasangkapan na parausan ng mga sundalong Hapones. Ito ang gumising sa mga natutulog na diwa ng mga babae na higit sa lahat sa sarili sila dapat na dumipende.

Marahil nagtataka kayo kung baki tna kailangan ko pang magbalik sa nakaraan upang ipakita ang tunay na lakas ng kababaihang Pilipina. Ito po kasi ang humubog ng isang tulad natin natin ngayon. Isang malalakas, mahuhusay, matatalino, matapang, maipagmamalaki, isang babae at isang Pilipina.

At sa patuloy pang pag-andar ng panahon ay ang patuloy na pagpapakitang gilas ng mga Pilipina. May makalilimot ba kay Gng. Corazon Aquino, unang presidenteng babae ng Pilipinas na sa kabila ng kaniyang pagiging biyuda ay pinagpatuloy ang naisin ng asawa. Kay Gng. Gloria Arroyo na nanatili sa pinakamataas na pwesto ng bansa ng siyam na taon. Sa musika, nakilala sina Lea Salonga at Charice Pempengco, kamakailan lamang ay si Shamcey Supsup na pinakita ang ganda ng Pilipina sa larangan ng pagandahan at Ana Julaton na nagkamit ng titulo sa palakasan. Sila’y mga babae, mga Pilipina at ilan lamang sila.

Dahil di man gumamit ng kampilan upang makpaglaban ngunit sa pamamagitan ngkanilang salita, talino at paggawa ng desisyon, hindi na lamang sila tatawaging ilaw ng tahanan, instrument sa pagpaparami ng angkan at tagapagsilbi ng kalalakihan ngunit idang lider,pinuno at isa sa tinitingala sa mundo ngayon.

Tatapusin ko naman ang pananalitang ito sa pamamagitan ng isang pahayag mula kay Gng. Susan Roces na kilala sa larangan ng telebisyon na nasabi niya sa isang komersyal. Hindi ako ang makapagsasabi, hindi ang pananalitang ito kundi ikaw at ikaw lamang ditto direkta sa puso kung ano nga ba ang tunay na lakas nating kababahang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento