Sabado, Oktubre 8, 2011


“Pagkaing Pilipino"
Ni: Regine Catolico


       Kilala ang mga Pilipino sa mga pagkaing kakaiba na tanging sa Pilipinas lang matatagpuan at matitikman, na tunay nga naming natatangi .  Ang mga Pilipino ay mayroong mayamang kultura na hinahangaan ng mga dayuhan. Na sa bawat aspeto nito may mga bagay na nakikilala ang ma pinoy. Isang halibawa nito ang ating konsepto pagdating sa pagkain. Mahilig tayong kumain ng kahit ano, walang uurungan ang mga  pinoy.

Isang halimbawa ng pagkaing sariling atin ang champorado. Ang champorado ay isang pagkain na gawa sa malagkit na nilagyan ng tsokolate at pulang asukal na nagsisilbing pampalasa. Ang pagkaing ito ay masasabi nating isa sa mga pagkakakilanlan ng ating kultura. Halos lahat yata ng lugar sa pilipinas, kilala at paborito ang champorado lalo na sa mga bata. Kinikilala ang pagkaing ito bilang isa sa mga paboritong  agahan  ng mga Pilipino. Sino bang magsasabi na hindi masapar ang pagkaing ito?
Naalala ko ang kwento ng aking pinsan na isang kasambahay sa ibang bansa. Dahil sa siya ay Pilipino, hinahanap hanap pa rin niya ang pagkaing pinoy. Nagluto siya champorado na kanyang gagawing agahan. Habang siya daw ay nagluluto lumapit sa kanya ang kanyang alaga at sinabing, “tsokolate,ilalagay sa kanin?”, sa wikang Pilipino. Sadyang kakaiba an gating mga pagkain ,ngunit kung kanilang titikman,tiyak na sila ay masisiyahan.

Hindi naman pahuhuli  ang mga pagkaing bida  pagdating ng hapon. Nariyan ang lugaw , ginataang mais , munggo o halo halo na sariling atin. Ang lugaw ay tinuturing nating bilang isa sa mura at  masarap na pantawid gutom sa kumukulong kalamnan. Ito ay gawa sa kanin na minsan ay hinahaluan ng malagkit at nilalagyan ng ilang pampalasa. Madalas tayong nalilito sa kung ano ang pinagkaiba ng lugaw,goto at aroz caldo. Paano nga ba natin malalaman kung lugaw,goto o aroz caldo na an gating kinakain?
      
  Lugaw ang tawag kung ito ay simpleng gawa sa kanin na may malagkit na nilalagyan lamang ng mga pampalasa. Goto naman ang tawag kung  nilagyan na ito ng mga hibla ng  karne ng baboy o baka. Masasabi mong ito ay aroz caldo kapag karne na ng manok ang nakahalo. Tunay ngang kakaiba ang mga pagkain na sariling atin na  sumasalim sa kultura na dpat ipagmalaki sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento