Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Talumpating pampulitiko. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Talumpating pampulitiko. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 8, 2011

Isang Bagong Pilipinas

ni Rachelle A. Rangasajo


Magandang araw para sa ating lahat!

Napakahalagang araw para sa aking nag makatayo sa inyong harapan at inyong mapakinggan dahil mula sa mga oras na ito a isang pagbabago ang hihilingin kong sisimulan natin at iyon ay sa tulong ninyo.

Alam ko pong napakarami na ang sumubok na kunin ang inyong mga tiwala upang isagawa ang kanilang mga personal na balak sa bansa. Magsisinungaling po ako kung sasabihin kong iba ako sa kanila dahil hihilingin ko po ang inyong tiwala para sa personal na balak ko sa bansa na kasama kayong makikinabang.

Alam ko rin pong pagod na kayo lalo na ang inyong mga tainga na making sa mga pangakong, ngunit sa pagkakataong ito nanaisin kop o kayong makasama sa mangangako at tutupad nito dahil imbes na hintayin ninyo ang grasya na mahulog mula sa kawalan ay kayo mismo ang gagawa’t kukuha nito.

Magiging pangunahing konsepto ng aking pamumuno ang mga katagang

"Give a Man a Fish, Feed Him For a Day. Teach a Man to Fish, Feed Him For a Lifetime" - Lao Tzu

Naniniwala po kasi akong na ang pag-unlad ng isang tao ay nasa kanyang mga kamay at hindi sa ibinibigay na tulong ng iba sa kanya. Kaya’t ang pag-unlad na ating inaasam ay sisimulan natin sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, ang pamilya. Sisiguraduhin natin na ang bawat haligi ng bawat pamilya ay magkakaroon ng hanap-buhay, nakapagtapos man ng pag-aaral o hindi, ito ay sa pamamagitan ng mga training na ibibigay sa kanila ayon sa kanilang kakayahan ( kung ito ay pang-elektrikal, pagkakarpintero, paggawang sapatos, pagiging tubero at maging ang pagsasaka) sa paraang ito ay magkakaroon ang bawat pamilya ng kikita para sa kanilang pangangailangan. Para sa ilaw ng tahanan, alisin natin ang konsepto na pantahanan lamang sila kaya’t ang mga pagsasanay na ito ay makukuha rin nila (maaaring sa pagluluto o pananahi).

Ipagpaptuloy natin ang pagkilala sa atin bilang isang bansang malapit sa pamilya at maisakatuparan ito kung mayroon lamang ligtas at maayos na tirahan ang isang pamilya kaya’t ang mga nasa squatter’s area ay ililipat natin sa probinsiya upang doon manirahan. Napakalaki po ng mga lalawigan natin upang magsisikan tayo sa lungsod kaya’t kung trabaho lamang ang kanilang iisipin mas malaki po ang oportunidad sa mga probinsiya. Maaari silang magsaka at tutulong sa kanila ang pamahalaan kaysa naman sa maging tambay sa lungsod.

Ang edukasyon ang magiging sandalan ng mga kabataan upang makabuo ng isang kahalintulad ng mga kabataan noon,magalang,matalino, masipag,at masiyahin kaya’t kalidad ng edukasyon natin ang kailangang pataasin sa pamamagitan ng paghasa sa mga magiging guro at pagdaragrag ng gamit sa eskwela. Muli tayong huhubog ng isang Rizal,Bonifacio, Aguinaldo at Mabini; kasing-galing,kisig,talino at tapang nila.

Ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita ay ipakikita natin sa pamamagitan ng turismo na ating paiigtingin. Ipakikilala natin ang tunay na ganda ng Pilipinas na kahit ang mga kababayan natin ay mamamangha. Ibabalik natin ang ganda ng Banaue Rice Terraces. Pangangalagaan ang Subterranean River at Boracay upang maging kaakit-akit at kahali-halina.

Sisirain natin ang konsepto ng colonial mentality at sisimulan ana tangkilikin ang gawang Pinoy, para maipatupad ito ay lilimitahan natin ang pagpasok ng mga produkto ng ibang bansaat tay mismo ang gagawa ng ating mga kailangan sa ganitong paraan ay sa atin ang kita at hindi sa ibang bansa.

Babaguhin natin ang konsepto na ang Pilipino ay alipin lalo na sa ibang bansa sila ay ating hihikayating bumalik sa panahon na mayroon na tayong sapat na trabaho para sa kanila.

Ang mga pangakong ito ay hindi isang ningas-kugon na sa simula lamang magagawa, magiging matagumpay ito kung magtitiwala at tutulong ang lahat sa akin. Ako ang inyong magiging kamay sa pamahalaan at kayo ang aking magiging isip upang ang lahat ng ito ay maisakatuparan ko. Gagawin natin ang tunay na kahulugan ng demokratikong pamamahala. Ang pamahalaan ng nakararami ,para sa nakararami at ayon sa nakararami.

Umaasa po akong ang Pilipinas na sa darating na pagbabago ng namamahala ay hindi ko na makilala di dahil sa kaguluhan ngunit sa kaunlarang tinanatamasa nito.

Muli magsimula tayong magtiwala at kumilos nang sabay upang ang kaunlarang inaasam ay ating makamtan.

Hazel Tapat na Pulitiko
NI: Hazel Ann Lunas

Magandang umasa sa mga kababayan ko. Andito po ako sa harapan nyo upang maghatid ng pagbabago. Ako po si Hazel-Ann Lunas, tumatakbong pangulo. Sa bayan na ito hindi lamang dapat matalino ang pulitiko, dapat may kaakibat na katapatan ito. Aanhin ang matalinong pulitokokung pangungurakot lamang ang alam nito. Maraming mga problema ang bayan na ito na tanging katapatan lamang ang tanging lunas. Tulad ng problemang pangkalusugan, problema sa edukasyon, problema sa kumakalam na tiyan, problema sa kahirapan. KATAPATAN LAMANG! Dahil kung di pangungurakot ang inaatupag, pera ng bayan ay magiging sapat.

Tumakbo akong pulitoko di lamang para sa pansarili ko, kundi para sa kapakanan ng mga kababayan ko. Lahat ng sinasabi ko ay di lamang mananatiling pangako, ang problema ng bayan ay tutuldukan ko at bibigyang solusyon. Di lamang manatili itong pangako. Yun lamang, ako po muli si Hazel-Ann Lunas para pangulo at mapagpalang umaga sa lahat.

Magtulungan tayo
Ni: Regine C. Catolico

                Batid kong karamihan sa ating mga Pilipino ay mahirap, ngunit , kaya natin itong malagpasan basta’t tayo’y nagtutulungan at magkaroon ng isang pinunong may pag mamalasakit . Sino ba ang ayaw umunlad?  Sinong ayaw umangat sa buhay? Paano tayo uunlad kung ang sting pinuno ay huwad?

                Narito ako sa inyong harapan hindi upang mangako. Narito ako para humungi ng tulong . tunay na mahirap at delikadong maging pinuno ngunit lakas loob po akong titindig at hihingi ng tulong niyo. Buong tapang ko pong sasambitin sa inyo na magtiwala kayo sa aking kakayahan. Hayaan po ninyong kayo’y aking pagsilbihan upang sabay-sabay po nating makamit ang kaunlaran na ating nais.

                Laganap sa ating lipunan ang mga batang lansangan na nakikita nating namamalimos at namamasura para sa kanilang pagkain. Pahintulutan niyo po akong bigyan sila ng pagkakataon upang sila ay bigyan ng libreng edukasyon na kanilang magagamit upang makaaalis sa buhay na kanilang kinagisnan .  May batas po tayong, “no collection policy” ngunit hindi po sapat ang batas na iyon upang lubos na masulusyunan ang pag-aaral ng mga kabataan.  Paano po sila makakapag-aral ng maayos kung walang laman ang kalamnan nila? Kaya naman po siniguro n gating gobyerno  na sagutin ang pang-recess ng mga bata. Isang sagot-baon programa po ang nais kong ipatupad nang maibsan naman po natin ang malaking problema hinggil ditto. Isa pa lang po yan sa aking mga binabalak, marami pa po akong nakapilang panukala at mga programa para sa inyo.

                Hindi kop o ito magagawa ng ako lang, dahil malaki po ang  gagampanan ninyong papel upang magawa natin ang ating mga hakbangin  tungo sa ating kaunlaran. Nasa inyo po ang desisyon at kayo po ang bahala sa inyong hatol.  Nawa’y maging patas ang inyong hakbang at gabayan po kayo ng ating panginoon sa pagpili ng nararapat.

                Maraming Salamat Po!